Kabanata 49 Ang Unang Sacrament Taun-taon ay nagdaraos ang mga Judio ng pista ng Paskua. Nagpapaalala ito sa mga Judio na iniligtas ng Diyos ang kanilang mga ninuno noong panahon ni Moises. Exodo 12:27; Lucas 22:7 Kailangan ni Jesus at ng Labindalawang Apostol ng lugar para makapaghapunan sa Paskua. Pinaghanap ng Tagapagligtas ng silid sina Pedro at Juan at pinatiyak na handa na ang lahat sa hapunan. Lucas 22:8 Nakakita sila ng silid at naghanda ng hapunan. Lucas 22:9–13 Nagpunta roon si Jesus at lahat ng Apostol. Pinagsaluhan nila ang hapunan ng Paskua. Lucas 22:14 Nagbigay ng sacrament si Jesus sa Kanyang mga Apostol sa unang pagkakataon. Dumampot Siya ng tinapay, binasbasan ito, at pinagpira-piraso. Sinabi Niya sa mga Apostol na kainin ang tinapay. Mateo 26:26; Lucas 22:19 Sinabi sa kanila ni Jesus na alalahanin ang Kanyang katawan nang kainin nila ang tinapay. Hiniling Niya sa kanila na alalahanin na mamamatay Siya para sa kanila. Mateo 26:26; Lucas 22:19 Nagbuhos ng alak sa saro si Jesus. Binasbasan Niya ang alak at sinabi sa mga Apostol na inumin ito. Mateo 26:27 Sinabi ni Jesus sa kanila na alahahanin ang Kanyang dugo nang inumin nila ang alak. Hiniling Niya sa kanila na alalahanin na magtitigis Siya ng dugo at magdurusa para sa mga kasalanan ng lahat ng tao. Mateo 26:28; Lucas 22:20 Sinabi rin ni Jesus sa mga Apostol na malapit na Siyang patayin ng masasamang tao. Labing-isa sa mga Apostol ang labis na nalungkot. Mahal nila ang Tagapagligtas at ayaw nilang mamatay Siya. Alam ni Jesus na tutulungan ng isa sa mga Apostol ang masasamang tao. Ang pangalan niya ay Judas Iscariote. Mateo 26:2, 14–16, 21–25