Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 38: Ang Fariseo at ang Publikano


Kabanata 38

Ang Fariseo at ang Publikano

Jesus tells a parable to some people who think they are better and more righteous than others - ch.40-1

Isang araw kinausap ng Tagapagligtas ang ilang taong nag-aakala na mas mabuting tao sila kaysa iba. May ikinuwento sa kanila si Jesus.

A Pharisee and a publican go to the temple to pray - ch.40-2

Dalawang lalaki ang nagpunta sa templo para manalangin. Ang isa ay Fariseo. Ang isa naman ay publikano, na maniningil ng buwis. Ayaw ng mga tao sa mga maniningil ng buwis. Inisip nilang hindi tapat ang mga maniningil ng buwis.

The Pharisee thanks God that he is better than other people - The publican prays for mercy on himself as a sinner - ch.40-3

Tumayo ang Fariseo sa harap ng iba para manalangin. Pinasalamatan niya ang Diyos na mas mabuti siya kaysa iba. Sinabi niya na dalawang beses siyang nag-aayuno bawat linggo at nagbabayad ng kanyang ikapu. Tumayo sa malayo ang publikano, yumuko, at nanalangin, “Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.”

Jesus explains that the Pharisee thought he did not sin or need help from God, but the publican admitted sinning and wanted to repent - ch.40-4

Akala ng Fariseo perpekto siya at hindi niya kailangan ang tulong ng Diyos. Pero alam ng publikano na hindi siya perpekto at kailangan niya ang tulong ng Diyos. Mapagkumbaba siya at humingi ng tawad sa Diyos.

Jesus tells the people to be like the publican because he, not the Pharisee, would be forgiven - ch.40-5

Sabi ni Jesus dapat tularan ng mga tao ang publikano. Hindi nila dapat isipin na mas mabuti sila kaysa ibang tao. Dapat silang magsisi sa kanilang mga kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos.