Kabanata 12 Ang Kasal sa Cana Dumalo si Jesucristo at Kanyang mga disipulo sa isang kasal sa Cana. Naroon si Maria, ang ina ni Jesus. Sinabi nito kay Jesus na wala nang alak para sa mga bisita. Juan 2:1–3 Iginalang at mahal ni Jesus ang Kanyang ina. Tinanong Niya kung ano ang gusto nitong gawin Niya. Juan 2:4 (tingnan sa footnote 4a) Sinabi ni Maria sa mga alila sa kasal na gawin ang anumang ipagawa ni Jesus sa kanila. Juan 2:5 Sinabi ni Jesus sa mga alila na punuin ng tubig ang anim na malalaking banga. Bawat banga ay kayang maglaman ng 18 hanggang 27 galon (68 hanggang 102 litro). Pagkatapos ay ginawa Niyang alak ang tubig. Juan 2:6–7 Sinabi Niya sa mga alila na kumuha ng alak sa mga banga at isilbi ito sa pinuno ng kapistahan. Juan 2:8 Nagulat ang pinuno ng kapistahan nang inumin niya ang alak. Ang pinakamasarap na alak ay karaniwang isinisilbi sa simula ng kapistahan. Pero sa pagkakataong ito, sa huli isinilbi ang pinakamasarap na alak. Juan 2:9–10 Ito ang unang nakatalang himalang isinagawa ni Jesus noong nabubuhay Siya sa daigdig. Ginawa Niya ito para tulungan ang Kanyang ina. Nakatulong din itong palakasin ang pananampalataya ng Kanyang mga disipulo. Juan 2:11