Kabanata 59 Nalaman ni Saulo ang Tungkol kay Jesus Pinanood ni Saulo ang pagpatay ng mga tao kay Esteban. Isang araw naglalakad si Saulo sa bayan ng Damasco kasama ang ilang kaibigan. Gusto niyang ibilanggo ang ilang disipulo ni Cristo. Ang Mga Gawa 7:58; 9:1–2 Bigla siyang napalibutan ng maningning na liwanag mula sa langit. Napasubsob siya sa lupa. Pagkatapos ay narinig ni Saulo ang tinig ni Jesus na nagtatanong kung bakit niya sinasaktan ang mga Banal. Natakot si Saulo. Tinanong niya si Jesus kung ano ang dapat niyang gawin. Sinabi ng Tagapagligtas na dapat pumunta sa Damasco si Saulo. Doo’y sasabihin kay Saulo ang kailangan niyang gawin. Ang Mga Gawa 9:3–6 Nagmulat ng mga mata si Saulo, pero hindi siya makakita. Nabulag siya. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa Damasco. Ang Mga Gawa 9:8–9 Isang disipulo ni Jesucristo na nagngangalang Ananias ang nakatira sa Damasco. Sa isang pangitain, sinabi ni Jesus kay Ananias na puntahan si Saulo. Ang Mga Gawa 9:10–11 Si Ananias ay may priesthood. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa ulunan ni Saulo at binasbasan ito para bumalik ang kanyang paningin. Matapos mapagaling, nabinyagan si Saulo at tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo. Ang Mga Gawa 9:17–18 Pinalitan ni Saulo ang kanyang pangalan ng Pablo. Natawag siya bilang Apostol. Naging misyonero siya ng Simbahan. Sumulat siya ng maraming liham. Nagpunta siya sa maraming lupain at nagturo ng ebanghelyo. Ang Mga Gawa 26:16–23; Mga Taga Roma 1:1