Kabanata 48 Ang mga Talento Ikinuwento ni Jesus sa Kanyang mga disipulo ang tungkol sa isang lalaking nagbigay ng ilang talento sa kanyang mga alipin. Ang isang talento ay malaking halaga. Mateo 25:14–15 Binigyan ng lalaki ng limang talento ang isang alipin. Binigyan niya ng dalawang talento ang isa pang alipin. Binigyan niya ng isang talento ang ikatlong alipin. Pagkatapos ay naglakbay ang lalaki. Mateo 25:15 Nagpakasipag ang aliping may limang talento. Kumita siya ng lima pang talento. May sampung talento na siya ngayon. Mateo 25:16 Nagpakasipag din ang aliping may dalawang talento. Kumita siya ng dalawa pang talento. May apat na talento na siya ngayon. Mateo 25:17 Ang aliping may isang talento ay ibinaon ito sa lupa. Natakot siyang maiwala ito. Hindi siya nagtrabaho kaya hindi naragdagan ang talento. Mateo 25:18 Pagbalik ng lalaki, tinanong niya ang mga alipin kung ano ang ginawa nila sa mga talento. Mateo 25:19 Dinalhan siya ng unang alipin ng sampung talento. Natuwa ang lalaki. Pinamahala niya sa maraming bagay ang alipin at sinabi ritong magalak siya. Mateo 25:20–21 Dinalhan ng ikalawang alipin ng apat na talento ang lalaki. Ikinatuwa rin ito ng lalaki. Pinamahala niya sa maraming bagay ang ikalawang alipin at sinabi ritong magalak siya. Mateo 25:22–23 Ibinalik ng ikatlong alipin ang talentong ibinaon niya. Hindi natuwa ang lalaki. Sinabihan niyang tamad ang alipin. Dapat ay nagpakasipag siya para kumita pa ng mga talento. Mateo 25:24–27 Binawi ng lalaki ang talento sa ikatlong alipin at ibinigay ito sa unang alipin. Pagkatapos ay pinalayas niya ang tamad na alipin. Parang si Jesus ang lalaki sa kuwento. Parang tayo ang mga alipin. Hahatulan ni Jesus kung paano natin ginagamit ang mga kaloob na ibinigay sa atin. Mateo 25:28–30