Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kabanata 58: Si Simon at ang Priesthood


Kabanata 58

Si Simon at ang Priesthood

People in Samaria listening to the gospel - ch.-1

Maraming tao sa Samaria ang nakarinig at naniwala sa ebanghelyo. Nabinyagan sila, pero hindi sumakanila ang Espiritu Santo.

Peter and John give the gift of the Holy Ghost to the members in Samaria. - ch.-2

Nagpunta sina Pedro at Juan sa Samaria. Ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa ulunan ng mga tao at ipinagkaloob sa kanila ang Espiritu Santo.

Simon asks Peter and John for the priesthood and offers them money. - ch.-3

Isang lalaking nagngangalang Simon ang nakakita kina Pedro at Juan na pinagkakalooban ng Espiritu Santo ang mga tao. Alam ni Simon na maipagkakaloob ng dalawang Apostol ang Espiritu Santo sa mga tao dahil may priesthood sila. Gusto rin niyang magkaroon ng priesthood.

Peter tells Simon that the priesthood is only given to righteous men and tells him to repent. - ch.-4

Inalok niya ng pera sina Pedro at Juan kapalit nito. Sinabi ni Pedro kay Simon na hindi mabibili ng sinuman ang priesthood. Ipinagkakaloob ito ng Diyos sa mabubuting lalaki. Alam ni Pedro na hindi matwid si Simon. Sinabihan niya itong magsisi.