Ang Ikatlong Talinghaga Ang Nawawalang Anak na Lalaki May dalawang anak na lalaki ang isang lalaki. Nangako ang lalaki na ipapamana sa kanila ang pera niya kapag namatay siya. Ayaw maghintay ng bunso. Hiningi niya sa kanyang ama ang perang parte niya. Ibinigay ito ng kanyang ama sa kanya. Lucas 15:11–12 Kinuha ng anak ang pera at umalis. Nagpunta siya sa ibang lupain. Paulit-ulit na nagkasala ang anak. Ginastos niya ang lahat ng pera. Lucas 15:13 Sa huli wala nang pambili ng pagkain ang anak. Gutom na gutom na siya. Humingi siya ng tulong sa isang lalaki. Inupahan siya ng lalaki para magpakain ng mga baboy. Lucas 15:14–15 Sa laking gutom ng anak gusto na niyang kumain ng kaning-baboy. Alam niya na mas masarap ang pagkain ng mga alipin sa bahay ng kanyang ama kaysa sa kanya. Lucas 15:16–17 Ipinasiya niyang magsisi at magpa-alila sa bahay ng kanyang ama. Pag-uwi ng anak, nakita ng kanyang ama na dumarating siya. Lucas 15:18–20 Patakbong sumalubong ang ama sa kanyang anak. Niyakap niya ito at hinagkan. Lucas 15:20 Sinabi ng anak sa kanyang ama na siya ay nagkasala. Nadama niyang hindi siya karapat-dapat na tawaging anak ng kanyang ama. Lucas 15:21 Sinabi ng ama sa isang alipin na magdala ng magagandang damit at isuot ito sa anak. Sinapatusan ng alipin ang anak at sinuotan ng singsing ang daliri nito. Lucas 15:22 Pinaghanda ng ama ang alipin ng masaganang pagkain. Gusto niyang magdiwang ang lahat. Ang anak na nagkasala ay nagsisi at umuwi. Lucas 15:23–24 Nagtatrabaho sa bukid ang panganay na anak. Pag-uwi nito, nakarinig siya ng tugtugan at sayawan. Sinabi sa kanya ng alipin na umuwi na ang bunso niyang kapatid. Gusto ng kanyang ama na magdiwang ang lahat. Lucas 15:25–27 Nagalit ang panganay at ayaw pumasok sa bahay. Lumabas ang kanyang ama at kinausap siya. Lucas 15:28 Nagpasalamat ang ama na nanatili sa piling niya ang panganay na anak. Lahat ng sa ama ay mapapasakanya. Sinabi rin ng ama na tama lang na magdiwang. Masaya siya na nagsisi na ang kanyang bunsong anak at umuwi. Lucas 15:31–32 Ikinuwento ni Jesus sa mga Fariseo ang tatlong talinghaga dahil gusto Niyang malaman nila kung gaano kamahal ng Ama sa Langit ang lahat. Mahal Niya ang mga taong sumusunod sa Kanya. Mahal din Niya ang mga makasalanan, pero hindi sila pagpapalain ng Ama sa Langit hangga’t hindi sila nagsisisi. Gusto Niyang magsisi ang mga makasalanan at bumalik sa Kanya. At gusto Niyang tulungan natin silang gawin iyon at maging masaya tayo pagbalik nila. Juan 3:16–17