Pag-aaral ng Doktrina
Deacon
Buod
Ang priesthood ay ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ang mga karapat-dapat na kabataang lalaki ay makatatanggap ng Aaronic Priesthood simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 12 taong gulang. Sa panahong iyan, inoordenan din sila sa katungkulan ng deacon—isang katungkulan na karaniwang hawak nila hanggang sa taon na sila ay magiging 14 na taong gulang.
Inoorganisa ang mga deacon sa mga korum sa kanilang mga ward at branch. Ang bawat korum ay pinamumunuan ng isang deacon na itinalaga bilang pangulo at siyang mayhawak ng mga susi ng priesthood na mamuno sa korum (tingnan sa Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan, 8.3.2; Doktrina at mga Tipan 107:85).
Ang bishopric ang panguluhan ng Aaronic Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:15). Kinakausap ng pangalawang tagapayo sa bishopric ang deacons quorum at itinuturo sa kanila ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan.
Kabilang sa mga responsibilidad ng isang deacon ang mga sumusunod (tingnan sa Hanbuk 2, 8.1.1.1):
-
Nagpapasa siya ng sakramento.
-
Siya ay “[itinalaga] na pangangalagaan ang simbahan” (Doktrina at mga Tipan 84:111). Siya rin ay “magbababala, magpapaliwanag, manghihikayat, at magtuturo, at mag-aanyaya sa lahat na lumapit kay Cristo” (Doktrina at mga Tipan 20:59). Kabilang sa responsibilidad na ito ang pakikipagkaibigan sa mga miyembro ng korum at sa iba pang mga kabataang lalaki, pagpapabatid sa mga miyembro ng mga pulong sa Simbahan, pagsasalita sa mga pulong, pagbabahagi ng ebanghelyo, at pagpapatotoo.
-
Tinutulungan niya ang bishop sa “pangangasiwa … ng [mga] bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68). Maaaring kabilang sa responsibilidad na ito ang [pagkolekta] ng handog-ayuno, pangangalaga sa mga maralita at nangangailangan, pangangalaga sa meetinghouse at bakuran nito, at pagiging mensahero ng bishop sa mga pulong ng Simbahan.
-
Tinutulungan niya ang bishopric sa iba pang mga paraan na naaayon sa katungkulan ng isang deacon. Tumutulong din siya sa mga teacher “sa lahat ng [kanilang] tungkulin sa simbahan … kung hinihingi ng pagkakataon” (Doktrina at mga Tipan 20:57).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Aaronic Priesthood,” Hanbuk 2, 8
Mga Magasin ng Simbahan
“Bagong Deacon,” Liahona, Oktubre 2013
“Pagiging Deacon,” Liahona, Enero 2005
“Ang Korum ng mga Deacon,” Liahona, Enero 2005