Library
Aaronic Priesthood


Ordenasyon sa Aaronic Priesthood

Pag-aaral ng Doktrina

Aaronic Priesthood

Buod

Ang priesthood ay ang walang-hanggang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Sa pamamagitan ng priesthood nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang langit at lupa. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, Kanyang tinutubos at dinadakila ang Kanyang mga anak, isinasakatuparan “ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39).

Ang Aaronic Priesthood ay “kaakibat sa nakatataas, o Pagkasaserdoteng Melquisedec [Melchizedek Priesthood]” (Doktrina at mga Tipan 107:14). Habang naglilingkod ang maytaglay ng priesthood sa Aaronic Priesthood, naghahanda siya para matanggap ang Melchizedek Priesthood, matanggap ang mga pagpapala ng templo, magmisyon, maging mapagmahal na asawa at ama, at magpatuloy sa habambuhay na paglilingkod sa Panginoon.

Ang mga katungkulan sa Aaronic Priesthood ay bishop, priest, teacher, at deacon. Sa pahintulot ng namumunong lider ng priesthood (karaniwan ang bishop o branch president), ang mga deacon ang nagpapasa ng sacrament. Tinutulungan nila ang mga bishop o branch president na pangalagaan ang mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng paglilingkod at pagtulong sa mga temporal na bagay tulad ng pagkolekta ng mga handog-ayuno. Maaaring gampanan ng teacher ang lahat ng tungkulin ng deacon, at sila rin ay tumatanggap ng iba pang mga pagkakataong maglingkod. Inihahanda nila ang tinapay at tubig ng sakramento at naglilingkod bilang mga ministering brother. Maaaring gampanan ng priest ang lahat ng tungkulin ng mga deacon at teacher. Sa pahintulot ng namumunong lider ng priesthood, maaari din silang magbasbas ng sakramento, magbinyag, at mag-orden ng iba sa mga katungkulan ng priest, teacher, at deacon.

Sa Simbahan ngayon, ang mga karapat-dapat na lalaking miyembro ay makatatanggap ng Aaronic Priesthood simula sa Enero ng taon na sila ay magiging 12 taong gulang na. Ang mga kabataang lalaking ito, na karaniwang nasa edad 11–17, ay tumatanggap ng maraming pagkakataon upang makibahagi sa mga sagradong ordenansa ng priesthood at maglingkod. Kapag karapat-dapat nilang nagagampanan ang kanilang mga tungkulin, sila ay kumikilos sa pangalan ng Panginoon upang tulungan ang iba pa na matanggap ang mga pagpapala ng ebanghelyo.

Habang isinasalin ni Propetang Joseph Smith ang Aklat ni Mormon, nakita niya na binanggit ang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Noong Mayo 15, 1829, sila ng kanyang tagasulat na si Oliver Cowdery ay nagtungo sa kakahuyan upang magtanong sa Panginoon hinggil sa binyag. Habang nagdarasal sila, “isang sugo mula sa langit ang bumaba sa isang ulap ng liwanag.” Ang sugong ito ay si Juan Bautista, ang propeta na nagbinyag kay Jesucristo daan-daang taon na ang nakalipas. Si Juan Bautista, ngayon na isa nang nabuhay na mag-uling nilalang, ay ipinatong ang kanyang mga kamay sa ulunan ni Joseph at ni Oliver at iginawad sa bawat isa sa kanila ang Aaronic Priesthood, na kinuha mula sa mundo sa panahon ng Malawakang Apostasiya. Taglay ang awtoridad na ito, nabinyagan nina Joseph at Oliver ang isa’t isa. (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72.)

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento