Library
Melchizedek Priesthood


basbas ng priesthood

Pag-aaral ng Doktrina

Melchizedek Priesthood

Sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood, ang mga lider ng Simbahan ay gumagabay sa Simbahan at nangangasiwa sa pangangaral ng ebanghelyo sa iba’t ibang dako ng mundo. Ang priesthood na ito ay ipinagkaloob kay Adan at narito sa mundo sa tuwing inihahayag ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo. Nawala ito sa mundo noong panahon ng Malawakang Apostasiya, ngunit ipinanumbalik noong 1829, nang igawad ito ng mga Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.

Buod

Sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood, ang mga lider ng Simbahan ay gumagabay sa Simbahan at nangangasiwa sa pangangaral ng ebanghelyo sa iba’t ibang dako ng mundo. Sa mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood, “ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” (Doktrina at mga Tipan 84:20). Ang mas mataas na priesthood na ito ay ipinagkaloob kay Adan at narito sa mundo sa tuwing inihahayag ng Panginoon ang Kanyang ebanghelyo. Inalis ito sa mundo noong panahon ng Malawakang Apostasiya, ngunit ipinanumbalik noong 1829, nang igawad ito ng mga Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.

“Mayroon, sa simbahan, ng dalawang pagkasaserdote, alalaong baga’y, ang Melquisedec at Aaron” (Doktrina at mga Tipan 107:1). Ang Melchizedek Priesthood, na “alinsunod sa Orden ng Anak ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 107:3), ang mas mataas sa dalawang ito. Ito ang “may hawak ng karapatan ng panguluhan, at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ng katungkulan sa simbahan” (Doktrina at mga Tipan 107:8). Hawak din nito ang “mga susi ng lahat ng pagpapalang espirituwal ng simbahan” (Doktrina at mga Tipan 107:18). Ipinangalan ito sa dakilang mataas na saserdoteng nabuhay noong panahon ng propetang si Abraham (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:2–4; tingnan din sa Alma 13:14–19).

Ang mga katungkulan sa Melchizedek Priesthood ay Apostol, Pitumpu, patriarch, high priest, at elder. Ang Pangulo ng High Priesthood ang siyang Pangulo ng Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:64–66).

Ang kalalakihan sa Simbahan ay dapat maging karapat-dapat na mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood upang makatanggap ng endowment sa templo at mabuklod sa kanilang mga pamilya sa kawalang-hanggan. May awtoridad sila na magbasbas sa maysakit at magbigay ng mga espesyal na basbas sa mga kapamilya at sa iba pa. Sa pahintulot ng mga namumunong lider ng priesthood, maaari nilang igawad ang kaloob na Espiritu Santo at iorden ang iba pang karapat-dapat na kalalakihan sa mga katungkulan sa Aaronic at Melchizedek Priesthood.

Kapag tinanggap ng isang lalaki ang Melchizedek Priesthood, pumapasok siya sa sumpa at tipan ng priesthood. Siya ay nakikipagtipan na magiging tapat, gagampanan ang kanyang tungkulin, “[makikinig nang] mabuti sa mga salita ng buhay na walang hanggan,” at “mabubuhay sa bawat salita na magmumula sa bibig ng Diyos.” Ang mga yaong tumutupad sa tipang ito ay pababanalin ng Espiritu at tatanggap ng “lahat ng mayroon ang … Ama.” (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:33–44.)

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Aaronic Priesthood

Apostasiya

Joseph Smith

Mga Ordenansa

Priesthood

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Genesis 14:18

Mga Awit 110:4

Mateo 16:17–19

Doktrina at mga Tipan 76:57

Doktrina at mga Tipan 124:123

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkasaserdoteng Melquisedec

NaN:NaN

Resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang Resources

Melchizedek Priesthood,” Hanbuk 2, 7

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Media

Musika

Mga Larawan