Library
Saksi


binyag

Pag-aaral ng Doktrina

Saksi

Buod

Maaari din itong tumukoy sa isang taong nagbibigay ng pahayag batay sa personal na kaalaman. Sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ang saksi ay kadalasang tumutukoy sa isang taong sumasaksi o nagpapatotoo, tungkol sa isang bagay na kanyang naranasan at alam niyang totoo.

Itinuro ng Panginoon sa mga naunang lider ng Simbahan na “sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat salita ay mapagtitibay” (Doktrina at mga Tipan 6:28; tingnan din sa Mateo 18:16). Karamihan sa mahahalagang pangyayari sa Pagpapanumbalik ng Simbahan ay sinunod ang pamamaraan ng pagkakaroon ng maraming saksi na nagpapatotoo sa katotohanan ng mga ito. Ang Tatlong Saksi sa Aklat ni Mormon ay nagpatotoo na ipinakita sa kanila ng isang anghel ang mga laminang ginto at na ang talaan ay “naisalin sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos” upang maging Aklat ni Mormon (“Ang Patotoo ng Tatlong Saksi,” Aklat ni Mormon). Ang Walong Saksi ay nagpatotoo na ipinakita sa kanila ni Joseph Smith ang mga laminang ginto at nahawakan nila ang mga ito at nasuri ang mga nakaukit dito. Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay naroon mismo sa pagpapanumbalik ng priesthood at mga susi ng priesthood at nagpatotoo tungkol dito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13; 110; Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72).

Ang pamamaraan ng pagkakaroon ng mga saksi ay sinusunod sa Simbahan ngayon. Kapag binibinyagan ang isang tao, dalawang saksi, na sinang-ayunan ng namumunong awtoridad, ang nagmamasid sa binyag upang matiyak na naisagawa ito nang wasto. Ang mga nabinyagang miyembro ng Simbahan, kabilang ang mga bata at kabataan, ay maaaring magsilbing mga saksi. Ang kalalakihan, kababaihan, at kabataang may current temple recommend ay maaaring magsilbing mga saksi para sa pagbibinyag para sa mga patay. Ang mga lalaki at babaeng tumanggap ng endowment na may current temple recommend ay maaaring magsilbing mga saksi para sa mga ordenansa sa templo, kabilang ang mga pagbubuklod sa templo.

Kapag tumatanggap sila ng sacrament, ang mga miyembro ng Simbahan ay “[pinapatunayan sa] … Diyos” na handa nilang taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Cristo, lagi Siyang aalalahanin, at susundin ang Kanyang mga kautusan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79).

Ang mga Apostol ng Simbahan ay tinawag na maging “mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo sa buong daigdig” (Doktrina at mga Tipan 107:23; tingnan din sa Mga Gawa 1:21–22; 4:33). Dahil dito, nagpapatotoo sila sa lahat ng tao tungkol sa katotohanang buhay si Jesucristo, sa katotohanan ng Kanyang ebanghelyo, at sa kahalagahan ng Kanyang Pagbabayad-sala sa lahat ng tao. Gayon din, kapag nagkaroon tayo ng patotoo sa ebanghelyo at ibinabahagi ang ating pinaniniwalaan sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa, tayo ay “[tumatayo] bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar” (Mosiah 18:9).

Karagdagang Resources

Mga Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Saksi

Mga Mensahe mula sa mga Lider