Mga Banal na Kasulatan
Patotoo ng Walong Saksi


Ang Patotoo ng Walong Saksi

Ipinaaalam sa lahat ng bansa, lahi, wika, at tao, kung kanino makararating ang gawang ito: Na si Joseph Smith, Jun., ang tagapagsalin ng gawang ito, ay ipinakita sa amin ang mga laminang nabanggit, na may anyong ginto; na kasindami ng mga pahinang naisalin ng nasabing si Smith ay siya ring nahawakan ng aming mga kamay; at amin ding nakita ang mga nakaukit doon, ang lahat ng yaon ay may anyong sinaunang gawa, at may kahanga-hangang pagkakayari. At ito ay aming pinatototohanan sa mahinahong mga salita, na ipinakita sa amin ng nasabing si Smith, sapagkat aming namalas at nahawakan, at may katiyakang nalalaman na ang nasabing si Smith ang may hawak ng mga laminang aming binanggit. At ibinibigay namin ang aming mga pangalan sa sanlibutan upang patunayan sa sanlibutan ang aming nakita. At hindi kami nagsisinungaling, Diyos ang nagpapatunay rito.

Christian Whitmer

Jacob Whitmer

Peter Whitmer, Jun.

John Whitmer

Hiram Page

Joseph Smith, Sen.

Hyrum Smith

Samuel H. Smith