Kabanata 1Pinaikli ni Moroni ang mga isinulat ni Eter—Inilahad ang talaangkanan ni Eter—Hindi nilito ang wika ng mga Jaredita sa Tore ng Babel—Ang Panginoon ay nangakong aakayin sila patungo sa isang piling lupain at gagawin silang isang dakilang bansa. Kabanata 2Naghanda ang mga Jaredita para sa kanilang paglalakbay patungo sa lupang pangako—Isa itong piling lupain kung saan ang mga tao ay kinakailangang magsilbi kay Cristo o malipol—Ang Panginoon ay nakipag-usap sa kapatid ni Jared sa loob ng tatlong oras—Gumawa ang mga Jaredita ng mga gabara—Hiniling ng Panginoon sa kapatid ni Jared na magmungkahi kung paano iilawan ang mga gabara. Kabanata 3Nakita ng kapatid ni Jared ang daliri ng Panginoon habang hinihipo Niya ang labing-anim na maliliit na bato—Ipinakita ni Cristo ang Kanyang katawang espiritu sa kapatid ni Jared—Ang mga yaong may ganap na kaalaman ay hindi maaaring pigilan sa loob ng tabing—Naglaan ng mga pansalin upang madala sa liwanag ang talaan ng mga Jaredita. Kabanata 4Inutusan si Moroni na tatakan ang mga isinulat ng kapatid ni Jared—Hindi ihahayag ang mga ito hanggang sa magkaroon ang mga tao ng pananampalataya maging tulad ng sa kapatid ni Jared—Inutusan ni Cristo ang mga tao na maniwala sa mga salita Niya at sa mga yaong disipulo Niya—Ang mga tao ay inutusang magsisi, maniwala sa ebanghelyo, at maligtas. Kabanata 5Tatlong saksi at ang gawain na ring ito ang tatayong patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon. Kabanata 6Itinaboy ng mga hangin ang mga gabara ng mga Jaredita patungo sa lupang pangako—Pinapurihan ng mga tao ang Panginoon dahil sa Kanyang kabutihan—Hinirang si Orihas na hari sa kanila—Namatay si Jared at ang kanyang kapatid. Kabanata 7Naghari si Orihas sa katwiran—Sa gitna ng pangangamkam at sigalutan, naitayo ang magkalabang kaharian nina Shul at Cohor—Binatikos ng mga propeta ang kasamaan at pagsamba sa diyus-diyusan ng mga tao, na pagkatapos ay mga nagsipagsisi. Kabanata 8May sigalutan at alitan hinggil sa kaharian—Bumuo si Akis ng lihim na pagsasabwatan na pinagtitibay ng sumpaan upang patayin ang hari—Ang mga lihim na pagsasabwatan ay sa diyablo at humahantong sa pagkawasak ng mga bansa—Binalaan ang mga Gentil sa pangkasalukuyang panahon laban sa mga lihim na pagsasabwatan na maghahangad na lupigin ang kalayaan ng lahat ng lupain, bansa, at bayan. Kabanata 9Ipinasa-pasa ang kaharian mula sa isa patungo sa isa pa sa pamamagitan ng pagmamana, sabwatan, at pagpaslang—Nakita ni Emer ang Anak ng Katwiran—Maraming propeta ang nangaral ng pagsisisi—Ginambala ang mga tao ng isang taggutom at ng mga makamandag na ahas. Kabanata 10Isang hari ang humahalili sa isa pa—Matwid ang ilan sa mga hari; masasama ang iba—Kapag namamayani ang katwiran, ang mga tao ay pinagpapala at pinauunlad ng Panginoon. Kabanata 11Namayani sa buhay ng mga Jaredita ang mga digmaan, pagtiwalag, at kasamaan—Ipinropesiya ng mga propeta ang lubusang pagkalipol ng mga Jaredita maliban kung sila ay magsisisi—Tinanggihan ng mga tao ang mga salita ng mga propeta. Kabanata 12Pinayuhan ng propetang si Eter ang mga tao na maniwala sa Diyos—Iniulat ni Moroni ang mga himala at nakamamanghang nagawa sa pamamagitan ng pananampalataya—Nakita ng kapatid ni Jared si Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya—Binibigyan ng Panginoon ng kahinaan ang mga tao upang sila ay maging mapagkumbaba—Pinakilos ng kapatid ni Jared ang bundok Zerin sa pamamagitan ng pananampalataya—Kinakailangan ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig sa kapwa-tao sa kaligtasan—Nakita ni Moroni si Jesus nang harap-harapan. Kabanata 13Nangusap si Eter tungkol sa isang Bagong Jerusalem na itatayo sa Amerika ng mga binhi ni Jose—Siya ay nagpropesiya, itinaboy, isinulat ang kasaysayan ng mga Jaredita, at ibinadya ang pagkalipol ng mga Jaredita—Sinalanta ng digmaan ang buong lupain. Kabanata 14Ang kasamaan ng mga tao ay nagdala ng sumpa sa lupain—Nakipagdigma si Coriantumer laban kay Gilead, pagkatapos ay kay Lib, at pagkatapos ay kay Shiz—Binalot ng dugo at pagkatay ang lupain. Kabanata 15Milyun-milyon sa mga Jaredita ang napatay sa digmaan—Tinipon nina Shiz at Coriantumer ang lahat ng tao para sa isang labanang hanggang kamatayan—Ang Espiritu ng Panginoon ay tumigil nang magpunyagi sa kanila—Lubusang nalipol ang bansang Jaredita—Tanging si Coriantumer ang nalabi.