Pag-aaral ng Doktrina
Priesthood
Ang salitang priesthood ay may dalawang kahulugan. Una, ang priesthood ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Sa pamamagitan ng priesthood, nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang langit at lupa. Pangalawa, sa mortalidad, ang priesthood ang kapangyarihan at awtoridad na ibinibigay ng Diyos sa tao upang kumilos sa lahat ng bagay na kinakailangan para sa kaligtasan ng mga anak ng Diyos. Ang mga pagpapala ng priesthood ay matatamo ng lahat ng tumatanggap sa ebanghelyo.
Buod
Ang salitang priesthood ay may dalawang kahulugan. Una, ang priesthood ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ito ay umiiral na noon pa man at magpapatuloy sa pag-iral nang walang katapusan (tingnan sa Alma 13:7–8; Doktrina at mga Tipan 84:17–18). Sa pamamagitan ng priesthood, nilikha at pinamamahalaan ng Diyos ang langit at lupa. Sa pamamagitan ng kapangyarihang ito, dinadakila Niya ang Kanyang masusunuring anak, isinasakatuparan “ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 84:35–38).
Pangalawa, sa mortalidad, ang priesthood ang kapangyarihan at awtoridad na ibinibigay ng Diyos sa tao upang kumilos sa lahat ng bagay na kinakailangan para sa kaligtasan ng mga anak ng Diyos. Ang mga pagpapala ng priesthood ay matatamo ng lahat ng tumatanggap sa ebanghelyo (“Awtoridad ng Priesthood,” Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Pangalan ng Priesthood
Noong tagsibol ng 1835, nakatanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag na nagpapaliwanag sa pangalan ng priesthood: “Mayroon, sa simbahan, ng dalawang pagkasaserdote, alalaong baga’y, ang Melquisedec at Aaron, kasama rito ang Pagkasaserdoteng Levitical. Kung bakit tinawag ang una na Pagkasaserdoteng Melquisedec ay dahil sa si Melquisedec ay tunay na dakilang mataas na saserdote. Bago sa kanyang kapanahunan ito ay tinatawag na Banal na Pagkasaserdote, alinsunod sa Orden ng Anak ng Diyos. Ngunit bilang paggalang o pagpipitagan sa pangalan ng Kataas-taasang Katauhan, upang maiwasan ang madalas na pag-ulit ng kanyang pangalan, sila, ang simbahan, noong unang panahon, ay tinawag ang pagkasaserdoteng yaon alinsunod kay Melquisedec, o ang Pagkasaserdoteng Melquisedec. Lahat ng ibang mga maykapangyarihan o tungkulin sa simbahan ay nakaakibat sa pagkasaserdoteng ito. … Ang pangalawang pagkasaserdote ay tinatawag na Pagkasaserdoteng Aaron, dahil ito ay iginawad kay Aaron at sa kanyang binhi, sa lahat ng kanilang salinlahi. Kung bakit ito tinawag na nakabababang pagkasaserdote ay dahil sa ito ay kaakibat sa nakatataas, o ang Pagkasaserdoteng Melquisedec, at may kapangyarihan sa pangangasiwa sa mga panlabas na ordenansa” (Doktrina at mga Tipan 107:1–5, 13–14).
Pagpapanumbalik ng Priesthood
Ang awtoridad ng Diyos na iorganisa ang Kanyang Simbahan at magsagawa ng mga ordenansa ng kaligtasan ay nawala dahil sa apostasiya pagkatapos ng pagkamatay ni Jesucristo at ng Kanyang mga Apostol noong unang siglo A.D. Gayunman, ipinanumbalik ito ng Panginoon kay Joseph Smith sa pamamagitan ng mga sugo mula sa langit noong ika-19 na siglo.
Mga Susi ng Priesthood
Ang mga susi ng priesthood ang karapatan na mamuno at mamahala sa mga gawain ng Simbahan sa lugar na nasasakupan nito. Si Jesucristo ang mayhawak ng lahat ng susi ng priesthood na nauukol sa Kanyang Simbahan. Ipinagkaloob Niya sa bawat isa sa Kanyang mga Apostol ang lahat ng susing nauukol sa kaharian ng Diyos sa lupa. Ang buhay na senior na Apostol, ang Pangulo ng Simbahan, ang tanging tao sa mundo na binigyang-karapatan na gamitin ang lahat ng susi ng priesthood.
Awtoridad at Kapangyarihan ng Priesthood
May pagkakaiba sa pagitan ng awtoridad ng priesthood at ng kapangyarihan ng priesthood. Ang awtoridad ng priesthood ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng ordenasyon. Ang kapangyarihan ay ipinagkakaloob batay sa personal na kabutihan.
Kailangan ng Mundo ang Priesthood
Ang Simbahan ay naglalaan ng organisasyon at mga paraan upang maituro ang ebanghelyo ni Jesucristo sa lahat ng anak ng Diyos. Kabilang sa priesthood ang awtoridad na pangasiwaan ang mga ordenansa ng kaligtasan sa lahat ng tao na handa at karapat-dapat na tanggapin ang mga ito. Kung wala ang priesthood at ang mga nakapagliligtas na ordenansa nito, “ang buong mundo ay lubusang mawawasak” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 2:1–3; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 84:21–22).
Si Jesucristo ang pinakamagandang halimbawa kung paano gamitin ang awtoridad at kapangyarihan ng priesthood upang mapaglingkuran at mapagpala ang iba. Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard, “Ang priesthood ay hindi lamang ang kapangyarihang lumikha sa mga langit at lupa, kundi ito rin ang kapangyarihang ginamit ng Tagapagligtas sa Kanyang ministeryo sa lupa para isagawa ang mga himala, basbasan at pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, at, bilang Bugtong na Anak ng Ama, para tiisin ang napakatinding pasakit ng Getsemani at Kalbaryo—sa gayon ay natupad ang mga batas ng katarungan nang may awa at inilaan ang walang-hanggang Pagbabayad-sala at nadaig ang pisikal na kamatayan sa pamamagitan ng Pagkabuhay na Mag-uli” (“Ito ang Aking Gawain at Aking Kaluwalhatian,” pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2013).
Ang Priesthood ay Nagpapalakas ng Pamilya
Ang pamilya ay inorden ng Diyos. Ito ang pinakamahalagang yunit sa buhay na ito at sa kawalang-hanggan. Bilang bahagi ng plano ng ating Ama sa Langit, tayo ay isinilang sa mga pamilya. Siya ay bumuo ng mga pamilya upang maging masaya tayo, upang matulungan tayong matuto ng mga tamang alituntunin sa isang mapagmahal na tahanan, at upang maihanda tayo para sa buhay na walang hanggan. Ang mga magulang ay may mahalagang responsibilidad na tulungan ang kanilang mga anak na maghandang bumalik sa Ama sa Langit.
Bawat asawang lalaki at ama sa Simbahan ay dapat magsikap na maging karapat-dapat na magtaglay ng Melchizedek Priesthood. Kasama ang kanyang asawa bilang kapantay na katuwang, siya ay namumuno sa katwiran at pagmamahal, naglilingkod bilang espirituwal na lider ng pamilya.
Ang Kababaihan ay Nakikibahagi sa Gawain ng Priesthood
Itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard: “Sa plano ng ating Ama sa Langit na nagkaloob ng priesthood sa kalalakihan, ang mga lalaki ay may kakaibang responsibilidad na pangasiwaan ang priesthood, ngunit hindi sila ang priesthood. Ang kalalakihan at kababaihan ay may mga tungkulin na magkaiba ngunit parehong mahalaga. Hindi man kayang magdalantao ng babae kung walang lalaki, hindi naman lubos na magagamit ng lalaki ang kapangyarihan ng priesthood para magbuo ng walang-hanggang pamilya kung walang babae. Sa madaling salita, sa walang-hanggang pananaw, ang mag-asawa ay parehong may ginagampanan sa kapangyarihang lumikha ng buhay at sa kapangyarihan ng priesthood” (“Ito ang Aking Gawain at Aking Kaluwalhatian,” pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2013).
Mga Kaugnay na Paksa
-
Mga Ordenansa
-
Race and the Priesthood [Lahi at ang Priesthood]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkasaserdoteng Aaron,” “Susi ng Pagkasaserdote, Mga,” “Pagkasaserdoteng Melquisedec,” “Sumpa at Tipan ng Pagkasaserdote,” “Pagkasaserdote”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Mga Pagpapala ng Priesthood sa Lahat: Hindi Maihihiwalay na Kaugnayan sa Priesthood,” Mga Anak na Babae sa Aking Kaharian, kabanata 8
Mga Magasin ng Simbahan
“Ang mga Pagpapala ng Priesthood ay para sa Lahat,” Liahona, Oktubre 2012
Hilary M. Hendricks, “Handang Magpabasbas,” Liahona, Hunyo 2012
Elizabeth Ricks, “Tandaan o Alalahanin,” Liahona, Hunyo 2007