Mga Sagot mula sa Isang Apostol
Ano ang mga susi ng priesthood?
Ang mga susi ng priesthood ay hindi mga susi na mahihipo o mahahawakan ng inyong mga kamay, tulad ng mga susi ng kotse. Ang susi ng priesthood ay ang awtoridad o pagpapahintulot na kumilos sa pangalan ng Ama sa Langit. Ang mga susi ng priesthood ay nagpapahintulot sa mga lider ng Simbahan na pamahalaan kung paano ginagamit ang priesthood sa daigdig.
Mayroon si Jesucristo ng lahat ng susi ng priesthood. Noong ipinanumbalik ang Simbahan, nagbigay Siya ng mga susi ng priesthood kay Joseph Smith para kumilos bilang Kanyang propeta. Taglay ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga susing ito ngayon.
Pinamamahalaan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang paggamit ng priesthood upang mapagpala ang mga anak ng Ama sa Langit. Sila ay nagtatalaga, o nagbibigay, ng ilang susi ng priesthood sa mga bishop at mga branch president.
Dahil nasa daigdig ang mga susi ng priesthood, tayo ay mabibinyagan at makukumpirma, makatatanggap ng basbas ng priesthood kapag may sakit tayo, at mabubuklod sa templo.