Pangako ng Propeta
Magpasalamat sa Araw ng Sabbath
“May pagkakataon tayong makibahagi sa sakramento bawat linggo—na inihahanda, binabasbasan, at ipinapasa ng mga awtorisadong lingkod ng Diyos. Maaari tayong magpasalamat kapag pinagtitibay ng Banal na Espiritu sa atin na ang mga salita sa mga panalangin sa sakramento, na inialay ng mga awtorisadong may hawak ng priesthood, ay kinikilala ng ating Ama sa Langit.
“… Mas nakadarama tayo ng pagmamahal at pagpapahalaga sa Tagapagligtas, na ginawang posible na malinis tayo mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang di-masusukat na sakripisyo. Habang tumatanggap ng tinapay at tubig, naaalala natin na nagdusa Siya para sa atin. At kapag nagpapasalamat tayo para sa ginawa Niya para sa atin, madarama natin ang Kanyang pagmamahal para sa atin at ang ating pagmamahal para sa Kanya.
“Ang … pagpapala [ng pagmamahal] na natatanggap natin ay nagpapadali para sa atin na sundin ang mga kautusan na ‘lagi siyang aalalahanin’ [Moroni 4:3; 5:2; D at T 20:77, 79]. Maaaring tulad ko ay makadarama rin kayo ng pagmamahal at pasasalamat sa Espiritu Santo, na ipinangako ng Ama sa Langit na palagi nating makakasama kapag nanatili tayong tapat sa mga pangakong ginawa natin. Maaari nating bilangin ang mga pagpapalang ito bawat Linggo at maging mapagpasalamat.”