Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.
“Mamamatay Ba Ako?” pahina 12: Ang pag-unawa sa plano ng kaligtasan ay mahalaga sa ating walang-hanggang pag-unlad. Mapag-aaralan ninyo ang plano sa pagbabasa ng mga talata sa banal na kasulatan tulad ng 2 Nephi 2:22–25; 9:10–11; Alma 34:32–33; 40:11–14; 42:5–15; o Doktrina at mga Tipan 76:30–113. Makakagawa kayo ng diagram sa paghahalinhinang idrowing ang bawat bahagi ng plano ng kaligtasan ayon sa kaugnayan nito sa bawat talata (tingnan sa pahina 59 ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo para sa halimbawa ng isang diagram). Maaari din kayong magpraktis na ituro ang mga alituntunin sa isa’t isa para maipaliwanag ninyo nang simple ang plano ng kaligtasan sa isang taong may mga tanong tungkol dito.
“Maghanap, Magdala, Magturo: Tanggapin ang Hamon ng Templo,” pahina 54: Tinanggap mo na ba ang hamon? Inaanyayahan ng mga Apostol ng Panginoon ang bawat isa sa atin na “maghanda ng maraming pangalan para mapabinyagan ninyo sa templo, at tulungan ang iba na gayon din ang gawin,” at magagawa ninyo ito bilang pamilya! Para malaman ang iba pa tungkol sa hamon, bisitahin ang templechallenge.lds.org at alamin ang ilang paraan sa paggawa ng family history. Maaari ninyong gugulin ang darating na mga family home evening sa paghahanda ng mga pangalan para sa templo at pagtuturo sa mga kaibigan kung paano gawin ang sarili nilang family history.