Maghanap, Magdala, Magturo: Tanggapin ang Hamon ng Templo
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Naibigay na ang hamon—tinanggap mo ba ito?
Inanyayahan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga kabataan na “maghanda ng maraming pangalan para sa templo na kasing dami ng mga binyag na isinasagawa ninyo sa templo, at tulungan ang ibang tao na gawin din iyon.”1 Ipinangako rin ni Elder Dale G. Renlud ng Korum ng Labindalawang Apostol na ang paglahok sa hamon na ito ng mga Apostol ay makapagbibigay ng espirituwal na proteksyon at pagpapagaling sa mga pamilya.2
Isipin ninyo ito—hinikayat ng mga Apostol ng Panginoon ang lahat na sumali sa gawaing pang-family history sa pamamagitan ng pagdala sa templo ng pangalan ng kanilang mga kamag-anak. Hindi ba’t maganda kapag ang bawat ordenansa na ginawa ninyo sa templo ay para sa inyong sariling pamilya? Inanyayahan ni Elder Andersen ang mga kabataan sa buong mundo na gawin iyan at tulungan ang mga kaibigan at kapamilya na gawin din iyon.
Kapag tinanggap ninyo ang hamong ito, madarama ninyo ang Espiritu, madaragdagan ang inyong patotoo, at mapagaganda ang inyong karanasan sa templo. Hindi alam kung paano magsisimula? Hatiin natin sa ilang hakbang ang hamong ito:
Maghanap
Una, maghanap ng mga pangalan para madala sa templo at idagdag ang mga ito sa FamilySearch.org. Kung mahigit sa apat na henerasyon na ang natapos ninyo, subukan ang FamilySearch’s Descendancy view. O kung medyo wala pang laman ang inyong family tree, maaari kayong magsimula at tumingin sa FamilySearch.org/findnames.
Magdala
Matapos maireserba at mai-print ang mga ordenansa sa pamamagitan ng FamilySearch.org, kasunod niyon, gamit ang isang recommend, madadala ninyo sa templo ang mga pangalan para sa pagbibinyag at pagkukumpirma! Anyayahan ang mga na-endow nang kapamilya o kaibigan na kumpletuhin ang mga ordenansa, o i-submit ang mga ito sa mga templo sa pamamagitan ng FamilySearch upang magawa ang mga ordenansa.
Magturo
Ibahagi ang kagalakan ng family history sa mga nakapalibot sa inyo! Magkaroon ng isang family history night kasama ang inyong mga kaibigan, o tipunin ang inyong mga magulang at mga kapatid at punan ang inyong family tree nang magkakasama. Maibabahagi ninyo ang inyong karanasan sa social media gamit ang #TempleChallenge.
Handa Ka Na Ba?
Anuman ang inyong karanasan sa family history, maraming mga paraan na magagawa ninyo ang hamon. Isipin kung paano kayo makatutulong na isulong ang gawain ng Panginoon ngayon.