Tampok na Doktrina
Ang Word of Wisdom
“Noong 1883 inihayag ng Panginoon kay Propetang Joseph Smith ang isang plano para sa malusog na pamumuhay. Ang planong iyan ay matatagpuan sa ika-89 na bahagi ng Doktrina at mga Tipan at kilala bilang Word of Wisdom. Nagbibigay ito ng partikular na utos tungkol sa pagkaing kinakain natin, at ipinagbabawal nito ang paggamit ng mga sangkap na nakakasama sa ating katawan.
“Yaong mga sumusunod sa mga utos ng Panginoon at tapat na sumusunod sa Word of Wisdom ay pinangakuan ng partikular na mga pagpapala, kasama na rito ang mabuting kalusugan at dagdag na lakas ng katawan [tingnan sa D at T 89:18–21]. …
“… Nawa’y pangalagaan natin ang ating katawan at isipan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntuning itinakda sa Word of Wisdom, isang planong inilaan ng langit. Buong puso’t kaluluwa kong pinapatotohanan ang maluwalhating mga pagpapalang naghihintay sa atin kapag ginawa natin ito.”