“Lesson 7 Materyal ng Titser: Panunumbalik ng Priesthood,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik (2019)
“Lesson 7 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik
Lesson 7 Materyal ng Titser
Panunumbalik ng Priesthood
Matapos ang panahon ng apostasiya, ang awtoridad ng priesthood ng Diyos ay ipinanumbalik sa lupa. Ang panunumbalik na ito ay nagbigay-daan para sa pag-oorganisa ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Matututuhan ng mga estudyante sa lesson na ito kung bakit mahalaga ang priesthood sa Simbahan ng Panginoon at kung paano natin nagagamit ang kapangyarihan ng Tagapagligtas dahil sa mga ordenansa.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Kailangan ang priesthood sa Simbahan ng Panginoon.
Maaari mong idispley ang sumusunod na tanong bago dumating ang mga estudyante at pagkatapos ay sabihin sa kanila na ibahagi ang kanilang mga naisip tungkol dito sa pagsisimula ng klase.
-
Kailan ninyo huling nadama na pinagpala kayo dahil sa priesthood?
Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ang priesthood ng Diyos, kasama ang mga susi, mga ordenansa nito, ang banal na pinagmulan nito at kapangyarihang ibuklod sa langit ang ibinuklod sa lupa, ay kailangang-kailangan sa totoong Simbahan ng Diyos sa pagiging kakaiba nito at kung wala ito, wala ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. (Jeffrey R. Holland, “Ang Ating Natatanging Katangian,” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 43; ginamitan ng mga bold letter bilang pagbibigay-diin)
-
Anong mga salita o mga parirala ang mahalaga para sa inyo sa pahayag ni Elder Holland? Bakit?
Kapag hinihikayat mo ang mga estudyate na magbahagi at sumali sa talakayan, maaari mong gamitin ang ilan sa mga sumusunod na paksa at tanong para matulungan ang mga estudyante na maunawaang mabuti ang ilang bahagi ng pahayag ni Elder Holland. Maaaring mas mahalaga na talakaying mabuti ang isa o dalawang tanong sa halip na subukang talakayin ang lahat ng tanong. Mas mapagbubuti rin ang inyong talakayan kapag nagbahagi ang mga estudyante ng mga natutuhan nila mula sa materyal sa paghahanda.
Paalala: Tatalakayin ninyo ang mga ordenansa sa pangalawang bahagi ng lesson na ito. Tandaan na mag-iwan ng sapat na oras para sa talakayang iyon para mas matutuhan at maunawaan ng mga estudyante ang kahalagahan ng mga ordenansa.
Kailangan ang priesthood sa Simbahan ng Panginoon (tingnan sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda).
-
Sa palagay ninyo bakit kailangan ang priesthood sa Simbahan ng Panginoon? Anong mga kaalaman at mga susi ang mawawala kung hindi naipanumbalik ang priesthood?
-
Sa anong mga paraan kailangan ang priesthood sa inyong sariling buhay?
Ang priesthood ay may banal na pinagmulan (tingnan sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda).
-
Paano ipinanumbalik ang priesthood?
-
Ano ang itinuturo sa inyo ng panunumbalik ng priesthood tungkol sa inyong Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Ang mga susi ng priesthood ay mahalaga sa Simbahan ng Panginoon (tingnan sa bahagi 2 ng materyal sa paghahanda).
-
Ano ang mga susi ng priesthood?
-
Paano naging pagpapala sa buhay ninyo ang mga susi ng priesthood?
Kapag nagbahagi ang mga estudyante ng mga karanasan at nagpatotoo tungkol sa priesthood at panunumbalik nito, maaari mo ring ibahagi ang iyong pasasalamat at patotoo tungkol sa kung paano napagpala ng panunumbalik ng priesthood ang iyong sariling buhay.
Kailangan ang mga ordenansa at mga tipan ng priesthood para sa ating kaligtasan.
Ipaliwanag na noong Setyembre 1832, mga dalawang taon matapos matanggap ang Melchizedek Priesthood mula kina Pedro, Santiago, at Juan, tumanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag na tutulong sa atin na mas maunawaan ang priesthood. Kabilang dito ang katotohanan na ang mga nakapagliligtas na ordenansa na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng awtoridad ng priesthood ay tumutulong sa atin na makapaghanda na makabalik sa kinaroroonan ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 84:18–22, at alamin kung paano tayo inihahanda ng mga ordenansa na makabalik sa piling ng Diyos.
-
Ayon sa mga talatang ito, anong mahalagang pagpapala ang natatanggap sa pamamagitan ng mga ordenansa ng priesthood?
-
Ano ang ilang posibleng kahulugan ng pariralang “kapangyarihan ng kabanalan”? (Matapos sumagot ang mga estudyante, maaari mong sabihin na ang ibig sabihin ng “banal o maka-Diyos” ay “tulad ng Diyos.” Ang kapangyarihan ng kabanalan ay kinapapalooban ng kapangyarihan ng Diyos na tutulong sa atin na maging tulad Niya.)
Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, at sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga posibleng kahulugan ng pariralang “kapangyarihan ng kabanalan”:
Ang mga ordenansa ng priesthood ay nagbubukas ng pinto at nagbibigay-daan para matamo ang kapangyarihan ng kabanalan. … Hindi maipapaliwanag nang tumpak o sapat ng isipan ng tao at ng mga wika ng mga mortal ang kahulugan ng parirala sa banal na kasulatan na “ang kapangyarihan ng kabanalan.” Ngunit ang lahat ng mga pagpapala ng Pagbabayad-sala—ang pagtubos mula sa kasalanan; lakas na gumawa ng mabuti at maging mabuti; ang espirituwal na kaloob na personal na kapayapaan; ang ipinagkaloob na mga kakayahan na tumutulong sa atin na harapin ang kalungkutan, kawalan ng katarungan, hindi pagkapantay-pantay, at marami pang iba—ay tiyak na isang bahagi lamang ng kapangyarihan ng kabanalan. … Upang makalapit sa Tagapagligtas, kailangan munang magpabinyag at tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo ang isang indibiduwal—at pagkatapos ay patuloy na sumulong sa landas ng mga tipan at mga ordenansa patungo sa Tagapagligtas at sa mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala (2 Nephi 31). Ang mga ordenansa ng priesthood ay kinakailangan para lubos na “[makalapit] kay Cristo, at maging ganap sa Kanya” (Moroni 10:32; tingnan din sa mga talata 30–33). Kung wala ang mga ordenansa, hindi matatanggap ng isang tao ang lahat ng pagpapalang ginawang posible sa pamamagitan ng walang-katapusan at walang-hanggang pagbabayad-sala ng Panginoon (tingnan sa Alma 34:10–14)—maging ang kapangyarihan ng kabanalan. (David A. Bednar, Power to Become [2014], 75–77)
-
Ano ang matututuhan natin mula sa pahayag ni Elder Bednar tungkol sa “kapangyarihan ng kabanalan”? Ano ang matututuhan natin tungkol sa layunin ng mga ordenansa ng priesthood? (Gamit ang mga isinagot ng mga estudyante, isulat o ipakita ang katotohanang tulad ng sumusunod: Sa pamamagitan ng mga ordenansa at mga tipan ng priesthood, matatamo natin ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Panginoon, na nagbibigay sa atin ng kakayahang maging katulad ng Diyos.)
-
Sa inyong palagay, sa paanong paraan tayo iniuugnay ng mga partikular na ordenansa ng Aaronic at Melchizedek Priesthood sa mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas? (Kung kinakailangan, bigyan ng oras ang mga estudyante para marepaso ang mga pahayag sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda.)
Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na isipin ang mga ordenansa ng priesthood na nakibahagi sila kamakailan. Sabihin sa kanila na pag-isipan kung ano ang nadama nila at ano ang kahulugan ng mga ordenansang iyon sa kanilang walang hanggang pag-unlad. Pagkatapos ay ipakita ang mga sumusunod na tanong na pag-iisipan ng mga estudyante:
-
Anong ordenansa ang maaaring maging mas makahulugan sa inyo sa pamamagitan ng pagpapamuhay sa mga natutuhan ninyo ngayon? (Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga impresyon at kumilos ayon dito.)
-
Ano ang natutuhan at nadama ninyo ngayon na nagpatindi ng inyong hangarin na makibahagi sa mga ordenansa ng priesthood?
Kung naaangkop, anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo kung paano nakatulong sa kanila ang awtoridad, mga susi, at mga ordenansa ng priesthood para madama ang pagmamahal ng Ama sa Langit.
Para sa Susunod
Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang ginagampanan ng Simbahan sa kanilang buhay. Habang pinag-aaralan nila ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson, hikayatin sila na alamin ang mga pagpapala ng Panginoon na matatamo ng matatapat na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.