Institute
Lesson 13 Materyal ng Titser: Ang mga Batas ng Diyos


“Lesson 13 Materyal ng Titser: Ang mga Batas ng Diyos,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik (2019)

“Lesson 13 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik

Lesson 13 Materyal ng Titser

Ang mga Batas ng Diyos

Muling inihayag ng Panginoon ang Kanyang mga batas at mga kautusan sa dispensasyong ito sa pamamagitan ni Joseph Smith at ng mga propetang sumunod sa kanya. Ihahanda ng lesson na ito ang mga estudyante na maipaliwanag ang mga banal na layunin ng Diyos sa pagbibigay ng mga kautusan sa Kanyang mga anak. Aanyayahan din ang mga estudyante na pagpasiyahan kung ano ang magagawa nila para maging mas tapat sa pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo

Ang Panginoon ay nagbibigay sa atin ng mga batas at mga kautusan para sa ating kaligtasan.

 

  •  

  • Ano ang maaaring hindi nauunawaan ng mga tao na nagsasabing restriksyon ang mga batas ng Diyos?

Ipaliwanag na mayroong mas mahahalagang layunin para sa mga batas ng Diyos kaysa sa pisikal na proteksyon lamang o pagsubok kung susundin natin ang Diyos. Sa Kanyang mga paghahayag kay Propetang Joseph Smith, itinuro ng Panginoon sa mga Banal ang ilang mas mahahalagang dahilan kung bakit nagbibigay ang Diyos ng mga batas at mga kautusan sa Kanyang mga anak. Ipabasa nang tahimik sa kalahati ng klase ang Doktrina at mga Tipan 93:19–20 at ipabasa nang tahimik sa natitirang kalahati ng klase ang Doktrina at mga Tipan 130:20–21. Sabihin sa mga estudyante na alamin ang mga pangako ng Panginoon sa mga taong sumusunod sa mga batas at mga kautusan ng Diyos. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipaliwanag na ang “kaganapan” ng Diyos na tinukoy sa Doktrina at mga Tipan 93:19–20 ay ang pangako na buhay na walang hanggan—makapanahanan sa kinaroroonan ng Diyos at maging katulad ng Ama at ng Anak (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:94).

  • Paano ninyo ibubuod ang katotohanan sa mga scripture passage na ito tungkol sa dahilan kung bakit nagbibigay ang Ama sa Langit ng mga kautusan sa Kanyang mga anak? (Gamit ang mga isinagot ng mga estudyante, isulat sa pisara o ipakita ang isang pahayag ng doktrina na tulad ng sumusunod: Ang Ama sa Langit ay nagbibigay ng mga kautusan sa Kanyang mga anak upang mapagpala Niya sila at matulungan sila na maging katulad Niya.)

Upang mapalalim ang pagkaunawa ng mga estudyante sa katotohanang ito, ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

Kabilang sa plano ng Diyos ang mga tagubilin para sa atin, na tinukoy sa mga banal na kasulatan bilang mga kautusan. Ang mga kautusang ito ay hindi kakatwa ni makatwirang koleksyon ng mga ipinataw na patakaran na nangangahulugan lamang na sanayin tayo na maging masunurin. Nauugnay ang mga ito sa pagkakaroon natin ng mga katangian ng kabanalan, pagbalik sa Ama sa Langit, at pagtanggap ng walang hanggang kagalakan. (“Piliin Ninyo sa Araw na Ito,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 105)

  • Paano naging tanda ng pagmamahal sa atin ng ating Ama sa Langit at ng Tagapagligtas ang mga kautusan?

  • Kapag naunawaan natin na ang mga kautusan ay mga tagubiling may pagmamahal na tutulong sa atin na magkaroon ng mga katangian ng kabanalan at tumanggap ng kagalakan, ano ang kaibhang magagawa nito sa ating buhay?

Ibinibigay ng Panginoon ang Kanyang batas sa mga Banal.

Ipaalala sa mga estudyante na ilang sandali matapos lumipat si Propetang Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, nakatanggap siya ng paghahayag na naglalaman ng batas ng Panginoon para sa Kanyang Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42). Sa sumunod na mga taon, mas marami pang itinuro ang Panginoon sa mga Banal tungkol sa Kanyang batas.

  • Ano ang ilan sa mga sinaunang batas at kautusan na muling pinagtibay ng Panginoon sa ating dispensasyon?

Ipaalala sa mga estudyante ang assignment na ibinigay sa kanila sa materyal sa paghahanda. Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na marebyu ang batas o mga batas na napag-aralan nila. Sabihin sa mga estudyante na maaaring hindi nakapag-aral ng isa sa mga batas na nakasaad sa materyal sa paghahanda na pag-aralan na ito ngayon.

PAGPAPAHUSAY NG ATING PAGTUTURO AT PAG-AARAL

Ang mga talakayan sa maliliit na grupo at mga assignment ay makatutulong sa mga estudyante na lalo pang matuto. Makatutulong na hatiin ang klase nang dala-dalawa o sa maliliit na grupo para mas maraming estudyante ang makapagpahayag ng kanilang mga ideya at maturuan ang isa’t isa. Upang matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng makabuluhang karanasan nang magkakasama, tiyakin na nauunawaan nila ang layunin at kahalagahan ng tinatalakay nila bago sila magsimula. Maaari ka ring magtalaga ng isang lider para pangunahan ang talakayan o magtalaga ng isang estudyante na unang magbabahagi.

Pagkatapos ng sapat na oras, hatiin ang klase sa maliliit na grupo (dalawa hanggang limang estudyante sa bawat grupo) ayon sa batas na pinili nilang pag-aralan. Halimbawa, bubuo ng isang grupo ang dalawa hanggang limang estudyante na pumili na pag-aralan ang batas ng paglalaan. Maaaring kailanganin pang magkaroon ng maraming grupo na tatalakay sa iisang batas kung mahigit sa limang estudyante ang pumili sa batas na iyon. (Kung maliit lang ang inyong klase o kung isang estudyante lamang ang pumili na pag-aralan ang isang partikular na batas, iakma ang aktibidad na ito para matugunan ang mga pangangailangan ng inyong klase. Halimbawa, maaari mong anyayahan ang nag-iisang estudyante na iyon na ibahagi sa iyo o sa isang grupo na nag-aral ng ibang paksa ang natutuhan niya.)

Sabihin sa mga estudyante na magtalaga ng isang kagrupo nila na tatayong lider ng kanilang grupo. Bigyan ang bawat lider ng grupo ng isang kopya ng kalakip na handout na “Mga Batas ng Diyos.”

Mga Batas ng Diyos

Mga tagubilin sa lider ng grupo: Mangyaring pangunahan ang iyong grupo sa isang makabuluhang pagtalakay sa mga sumusunod na tanong. Tiyaking maisama ang bawat miyembro ng grupo sa inyong talakayan.

  1. Anong katotohanan o mga katotohanan ang natutuhan ninyo sa inyong pag-aaral?

  2. Anong mga hamon ang nauugnay sa pagsunod sa batas na ito ngayon, at paano maaaring madaig ang mga ito?

  3. Anong mga pagpapala ang natanggap ninyo o ng inyong pamilya sa pagsunod sa batas na ito?

  4. Paano makatutulong sa inyo ang pagsunod sa batas na ito para maging higit na katulad kayo ng Ama sa Langit?

Sa pagtatapos ng lesson, pumili ng isang tao na magbabahagi sa klase ng ilang mahahalagang bagay na natalakay ninyo sa inyong grupo.

Mga Batas ng Diyos

handout na Mga Batas ng Diyos

Bigyan ang mga grupo ng 10 minuto, o sapat na oras para magkaroon ng makabuluhang talakayan. Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa mga kinatawan ng bawat grupo na ibahagi sa buong klase ang ilang mahahalagang bagay na natalakay nila. Maaari mong hikayatin ang bawat kinatawan na ibahagi kung paano makatutulong sa atin ang pagsunod sa batas na pinag-aralan niya para maging higit na katulad tayo ng ating Ama sa Langit.

Ibahagi ang iyong patotoo at karanasan kung paano napagpala ng pagsunod sa mga batas at mga kautusan ng Diyos ang iyong buhay at kung paano ka natulungan nito na maging higit na katulad ng Ama sa Langit.

Ipakita ang mga sumusunod na tanong. Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan ang mga tanong, isulat ang kanilang mga impresyon, at tukuyin ang mga gawaing nahikayat silang gawin. Hikayatin ang mga estudyante na taimtim na manalangin at humingi ng tulong at patnubay sa Ama sa Langit na magawa ang mga impresyong natanggap nila. Maaari mo ring sabihin sa kanila na magpasiya kung kailan ipa-follow-up ang ipinangako nila na gagawin.

  • Alin sa mga kautusan ng Panginoon na tinalakay ngayon ang kaya kong mas masunod nang lubos?

  • Anong mga partikular na bagay ang kinakailangan kong baguhin, simulang gawin, o ihintong gawin upang mas lubos kong masunod ang kautusang ito?

  • Anong mga pagpapala, mga katangian ng kabanalan, at kagalakan ang maaaring dumating sa aking buhay sa pagsunod ko nang mas lubos at mas tapat sa kautusang ito?

Para sa Susunod

Ipaliwanag na isa sa mga natatanging paniniwala ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay na patuloy na pinapatnubayan ng Diyos ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang banal na kasulatan. Anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson at dumating na handang talakayin kung paano nililinaw at pinalalalim ng karagdagang banal na kasulatan ang pagkaunawa natin sa ebanghelyo ng Tagapagligtas.