“Lesson 4 Materyal ng Titser: Ang Doktrina ng Paghahayag,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik (2019)
“Lesson 4 Materyal ng Titser,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik
Lesson 4 Materyal ng Titser
Ang Doktrina ng Paghahayag
Naghayag ang Panginoon ng mahahalagang katotohanan tungkol sa doktrina ng paghahayag kay Joseph Smith at iba pa noong mga unang araw ng Panunumbalik. Layon ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang kakayahan na tumanggap ng paghahayag at mas makahiwatig kapag nangungusap sa kanila ang Espiritu Santo.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Naghayag ang Panginoon ng mga alituntunin ng paghahayag kina Joseph Smith at Oliver Cowdery.
Ipakita ang sumusunod na tanong: Anong sitwasyon, desisyon, o tanong sa kasalukuyan ang gusto ninyong ihingi ng patnubay at paghahayag sa inyong Ama sa Langit?
Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang tanong at isulat ang mga naisip nila. Pagkatapos ng sapat na oras, maaari mong sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila kung hindi ito gaanong personal.
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng lesson na ito sa kanilang buhay, ipaliwanag ang mga inaasahang matamo na inilarawan sa pambungad ng lesson na ito.
Idispley ang sumusunod na larawan, at itanong:
-
Anong mga kalagayan ang naghikayat kay Oliver Cowdery na tulungan si Joseph Smith sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon? (Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang natutuhan nila mula sa bahagi 1 ng kanilang materyal sa paghahanda kung kinakailangan.)
-
Paano nakaimpluwensya ang paghahayag sa desisyon ni Oliver na tulungan si Joseph?
Ipaalala sa mga estudyante na bilang tugon sa pagnanais ni Oliver na tumulong sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon, itinuro sa kanya ng Panginoon ang tungkol sa pagtanggap ng paghahayag. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 8:1–3. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at hanapin ang mga katotohanang kailangan ni Oliver para makaunawa nang sa gayon ay makatanggap siya ng paghahayag para makapagsalin.
-
Anong mga katotohanan ang matututuhan natin mula sa mga talatang ito tungkol sa paghingi at pagtanggap ng paghahayag? (Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng ilang katotohanan, kabilang ang sumusunod: Ang Panginoon ay nangungusap sa ating isipan at puso sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.)
-
Batay sa inyong personal na pag-aaral at karanasan, ano ang ilang paraan na nangungusap ang Panginoon sa ating isipan? sa ating puso? (Ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Kung kinakailangan, sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang mga scripture passage at komentaryo na pinag-aralan nila sa bahagi 1 ng materyal sa paghahanda.)
-
Sa inyong palagay, bakit pinili ng Panginoon na mangusap sa atin sa pamamagitan ng ating isipan at puso? (Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang natutuhan nila at napagnilayan nila sa kanilang personal na pag-aaral at paghahanda.)
Ipaliwanag na noong subukan ni Oliver na magsalin, nabigo siyang makatanggap ng paghahayag na kailangan niya para makapagpatuloy. Nagtanong sina Joseph at Oliver sa Panginoon kung bakit nabigo si Oliver. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 9:7–9, at alamin ang paraang itinuro ng Panginoon kay Oliver tungkol sa kung paano makatatanggap ng paghahayag.
-
Anong paraan ang inihayag ng Panginoon kay Oliver na makatutulong sa atin na makatanggap at makahiwatig ng paghahayag? (Kadalasang dumarating ang paghahayag pagkatapos pag-aralan ang mga tanong at mga bagay-bagay sa ating isipan, makabuo ng konklusyon, at pagkatapos ay magtatanong sa Diyos kung tama ang ating konklusyon.)
Ipaliwanag na sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan na maaaring ang kahulugan ng “dibdib ay mag-alab” ay “kapanatagan at kapayapaan” (“Teaching and Learning by the Spirit,” Ensign, Mar. 1997, 13).
Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang mga naisip nila tungkol sa mga sumusunod na tanong at paanyaya mula sa kanilang materyal sa paghahanda:
-
Sa inyong palagay, bakit inaasahan ng Panginoon na pag-aaralan natin ang mga bagay-bagay sa ating isipan bilang bahagi ng paghahangad ng paghahayag?
-
Ano ang itinuro sa inyo ng isang kaibigan o kapamilya tungkol sa pag-anyaya at pagtanggap ng paghahayag? Ano ang natutuhan ninyo sa inyong sariling mga karanasan tungkol sa pag-anyaya at pagtanggap ng paghahayag?
Paalala: Layon ng sumusunod na aktibidad na bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para pag-isipan ang natutuhan nila at ipamuhay ito. Iakma ang lesson kung kinakailangan para mabigyan ang mga estudyante ng maraming oras na mag-isip, magsulat, magbasa, o manalangin.
Sabihin sa mga estudyante na isipin at isulat sa loob ng ilang minuto ang natutuhan nila tungkol sa paghahayag at kung paano ito nauugnay sa mga naisip o saloobin na isinulat nila sa simula ng klase. O maaari silang magdasal nang tahimik at hilinging gabayan sila sa mga isinulat nila. Maaari mo ring ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson at sabihin sa mga estudyante na basahin ito nang tahimik, at alamin ang iba pang mga paraan na maaanyayahan nila ang paghahayag.
Ipanalangin sa pangalan ni Jesucristo ang inyong mga alalahanin, ang inyong mga takot, mga kahinaan—oo, ang pinakainaasam ng inyong puso. At makinig! Isulat ang mga naiisip ninyo. Itala ang inyong nadama at isagawa ang mga bagay na ipinahiwatig sa inyong gawin. Habang inuulit ninyo ang prosesong ito araw-araw, buwan-buwan, taun-taon, kayo ay “uunlad sa alituntunin ng paghahayag” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 153). …
Nakikiusap ako sa inyo na dagdagan ang inyong espirituwal na kakayahan na tumanggap ng paghahayag. …
Walang makapagbubukas ng kalangitan nang higit sa magagawa ng pinagsama-samang kadalisayan, lubos na pagsunod, masigasig na paghahanap, araw-araw na pagpapakabusog sa mga salita ni Cristo sa Aklat ni Mormon, at pag-uukol palagi ng oras para sa templo at gawain sa family history. (Russell M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 95)
Ang Panunumbalik ng ebanghelyo ay naglalaan ng paraan para sa pagtanggap ng paghahayag.
Ipaliwanag na ang mga alituntunin ng paghahayag na natutuhan nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay inihayag sa kanila nang paunti-unti ayon sa mga sitwasyong nangyari at mga itinanong nila. Ipinapakita nito ang isang mahalagang katotohanan na itinuro ng Panginoon sa ilan sa mga paghahayag.
Sabihin sa tatlong estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 42:61; 50:24; 98:12. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa, at alamin kung ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa paraan kung paano inihahayag ng Panginoon ang Kanyang katotohanan at kalooban sa atin.
-
Paano ninyo ibubuod ang katotohanang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa pagtanggap ng paghahayag mula sa Panginoon? (Gamit ang mga isinagot ng mga estudyante, magpakita o magsulat sa pisara ng isang katotohanan na katulad ng sumusunod: Inihahayag ng Panginoon ang katotohanan sa atin nang “taludtod sa taludtod, tuntunin sa tuntunin.”)
Ipaalala sa mga estudyante na sa bahagi 3 ng materyal sa paghahanda, nalaman nila ang tungkol sa paraan ng pagtanggap ng paghahayag mula kay Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol. Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang tila pinakamahalaga para sa kanila mula sa kanyang mga turo. Maaari mo ring itanong sa kanila kung paano makatutulong sa atin ang kanyang mga analohiya na nauugnay sa paghahayag para mas maunawaan natin ang katotohanang ipinakita o isinulat sa pisara.
-
Paano makatutulong ang pagkaunawa sa katotohanang ito sa isang tao na nakadaramang hindi siya nakatatanggap ng mga sagot o patnubay mula sa Panginoon?
-
Ano ang karanasan ninyo tungkol sa pagtanggap ng mga sagot o patnubay na paunti-unting dumating sa inyo?
Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo o pag-anyaya sa sinumang estudyante na gustong patotohanan ang tungkol sa paghahayag na itinuro sa lesson.
Para sa Susunod
Itanong sa mga estudyante kung ano sa palagay nila ang mga pinakadakilang himala ng Panunumbalik. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang materyal sa paghahanda para sa susunod na lesson tungkol sa paglabas ng Aklat ni Mormon at pag-isipan ang mga himalang nauugnay sa pag-iingat, pagsasalin, at paglalathala ng Aklat ni Mormon.