Institute
Lesson 13 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Ang mga Batas ng Diyos


“Lesson 13 Materyal sa Paghahanda para sa Klase: Ang mga Batas ng Diyos,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik (2019)

“Lesson 13 Materyal sa Paghahanda para sa Klase,” Materyal ng Titser para sa Kursong Mga Pundasyon ng Panunumbalik

Lesson 13 Materyal sa Paghahanda para sa Klase

Ang mga Batas ng Diyos

binatilyong nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Isipin ang mga saloobin ng mga tao tungkol sa mga batas at mga kautusan ng Diyos na napapansin mo sa iyong paligid. Ang mga saloobin bang ito ay positibo, negatibo, o walang pagpapahalaga? Habang pinag-aaralan mo ang mga batas at mga kautusan na ipinanumbalik sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, alamin ang mga paraan na makapagdudulot ang mga ito sa iyo ng kapayapaan at proteksyon at makatutulong sa iyon na maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

Bahagi 1

Paano mapagpapala ng pagsunod sa mga batas ng Diyos ang aking buhay?

Noong Disyembre 1830, iniutos ng Panginoon sa mga Banal na naninirahan sa New York na magtipon kasama ang mga Banal sa Ohio. Nangako ang Panginoon na kung susunod sila, ihahayag Niya sa kanila ang Kanyang batas at pagkakalooban sila ng “kapangyarihan mula sa kaitaasan” (Doktrina at mga Tipan 38:32). Hindi nagtagal pagkatapos makarating sa Ohio noong Pebrero 1831, nakatanggap si Propetang Joseph Smith ng isang paghahayag kung saan inihayag ng Panginoon ang Kanyang batas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42). Sa paghahayag, muling pinagtibay ng Panginoon ang pangangailangang sundin ang mga kautusan na ibinigay Niya sa Kanyang mga tao noong unang panahon, kabilang ang batas ng kalinisang-puri.

Iniutos din ng Panginoon sa mga Banal na pangalagaan ang mga maralita at itayo ang Kanyang kaharian sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng paglalaan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:30–35). Tulad ng itinuro Niya sa Kanyang mga sinaunang Apostol, ipinaliwanag ng Panginoon na kapag ang mga Banal ay naglilingkod sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga kautusan, ipinapakita nila ang kanilang pagmamahal sa Kanya (tingnan sa Juan 14:15; Doktrina at mga Tipan 42:29).

Sa mga sumunod na taon, ipinanumbalik ng Panginoon ang marami pa sa Kanyang mga sinaunang batas sa pamamagitan ni Joseph Smith, kabilang ang batas ng Sabbath (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 59; 68:29) at ang batas ng ikapu (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 64:23119). Inihayag din Niya ang batas ng kalusugan na kilala bilang Word of Wisdom (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89).

Upang makapaghanda para sa klase, mangyaring pag-aralan ang isa o higit pa sa mga sumusunod na batas na muling pinagtibay o ipinahayag ng Panginoon sa ating panahon: (1) ang batas ng kalinisang-puri, (2) ang batas ng paglalaan, (3) ang batas ng Sabbath, o (4) ang batas ng kalusugan, na kilala bilang Word of Wisdom. Gamitin ang mga resource sa ibaba habang pinag-aaralan mo ang batas o mga batas na pinili mo. Maaari ka ring magsaliksik ng mga karagdagang resource sa ChurchofJesusChrist.org. Dumating sa klase na handang talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  1. Anong katotohanan o mga katotohanan ang natutuhan mo sa iyong pag-aaral?

  2. Anong mga hamon ang nauugnay sa pagsunod sa batas na ito ngayon, at paano maaaring madaig ang mga ito?

  3. Anong mga pagpapala ang personal mong naranasan sa pagsunod sa batas na ito?

  4. Paano makatutulong sa iyo ang pagsunod sa batas na ito para maging higit na katulad ka ng iyong Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo?

Bahagi 2

Batas ng Kalinisang-puri

bata pang magkasintahan na magkahawak-kamay
  1. Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 42:22–25, at alamin ang doktrina at mga alituntunin na itinuro ng Panginoon tungkol sa kadalisayan ng puri.

  2. Pag-isipan ang itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa kabigatan ng paglabag sa batas ng kalinisang-puri na ibinigay ng Diyos at ang kasagraduhan ng seksuwal na intimasiya. Pag-aralan ang mga talata 9–16 ng kanyang mensahe na “Personal Purity” (Ensign, Nob. 1998, 75–79), at alamin ang mga dahilan kung bakit dapat nating ingatang mabuti ang kadalisayan ng ating puri.

  3.  

Bahagi 3

Batas ng Paglalaan

dalawang bata pang boluntaryo

Alamin pa ang tungkol sa batas ng paglalaan sa paggawa ng mga sumusunod:

  1. Basahin ang itinuturo ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan tungkol sa batas ng paglalaan.

  2. Pag-aralang muli kung paano sinikap ng ilang naunang mga Banal na ipamuhay ang batas ng paglalaan. Bago ang pagdating ni Joseph Smith sa Kirtland, Ohio, noong Pebrero 1831, marami sa mga Banal sa Kirtland ang naghangad na tularan ang halimbawa ng mga Banal sa Bagong Tipan na “lahat nilang pag-aari ay sa kalahatan” (tingnan sa Mga Gawa 4:32) sa pamamagitan ng pagsisikap na ibahagi ang kanilang mga produkto at ari-arian sa isa’t isa tulad ng isang malaking pamilya. Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 42:30–35, at alamin ang mga tagubilin ng Panginoon na naglilinaw kung paano pangangalagaan ng mga Banal ang isa’t isa sa ilalim ng batas ng paglalaan.

  3. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

    •  

    • Pag-aralan ang artikulong “Paglalaan at Pangangasiwa” sa ChurchofJesusChrist.org, at isipin kung paano ipinamuhay ng mga Banal sa mga Huling Araw ang batas ng paglalaan.

Bahagi 4

Batas ng Sabbath

mga kabataan sa Sunday School
  1. Nang manirahan ang mga miyembro ng Simbahan sa Jackson County, Missouri, noong tag-init ng 1831, nakatagpo nila sa dulo ng bayan ang isang komunidad kung saan laganap ang pagsusugal, paglalasing, karahasan, at paglabag sa araw ng Sabbath. Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 59:9–19, at alamin ang iniutos ng Panginoon na gawin ng mga Banal para matulungan silang mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan ng mundo.

  2. Si Pangulong Russell M. Nelson ay nagturo ng tungkol sa kahalagahan ng araw ng Sabbath. Basahin ang mga talata 3–16 ng kanyang mensahe na “Ang Sabbath ay Kaluguran” (Ensign o Liahona, Mayo 2015, 129–30). Maghanap ng mga payo na makatutulong sa iyo na gawing kaluguran ang araw ng Sabbath.

  3.  

Bahagi 5

Batas ng Kalusugan

mga prutas at mga gulay
  1. Ang Paaralan ng mga Propeta, na inorganisa noong Enero 1833, ay nagsimulang magpulong nang regular sa silid sa itaas ng Tindahan ni Newel K. Whitney sa Kirtland, Ohio. Sa mga pulong na ito, madalas gumamit ang mga kalalakihan ng tabako. Matapos sabihin ng kanyang asawang si Emma ang mga alalahanin nito, nagtanong si Joseph Smith sa Panginoon at natanggap ang paghahayag na kilala bilang Word of Wisdom o Salita ng Karunungan (tingnan sa Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 1, Ang Pamantayan ng Katotohanan, 1815–1846 [2018], 191–93). Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 89:1–14, 18–21, at maaari mong markahan ang mga tagubilin at mga pangako ng Panginoon sa mga Banal.

  2.