Library
Pagpapanumbalik ng Priesthood


tinatanggap ni Joseph Smith ang priesthood

Pag-aaral ng Doktrina

Pagpapanumbalik ng Priesthood

Buod

Noong nasa mundo si Jesucristo, itinatag Niya ang Kanyang Simbahan at ibinigay sa Kanyang mga Apostol ang priesthood, na siyang kapangyarihan na kumilos sa Kanyang pangalan (tingnan sa Lucas 9:1–2). Matapos ang Pagpako sa Kanya sa Krus at ang kamatayan ng Kanyang mga Apostol, ang awtoridad ng priesthood at ang kabuuan ng ebanghelyo ay inalis sa mundo dahil sa kasamaan at pagtalikod sa katotohanan (tingnan sa II Mga Taga Tesalonica 2:1–3).

Sa mga unang bahagi ng 1800s, ipinanumbalik ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang ebanghelyo sa mundo sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Kasama sa Pagpapanumbalik na ito ang kapangyarihan at awtoridad ng priesthood.

Habang isinasalin nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Aklat ni Mormon, nabasa nila ang pagbibinyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Noong Mayo 15, 1829, nagpunta sila sa isang mapunong lugar malapit sa tahanan ni Joseph sa Harmony, Pennsylvania, at nanalangin tungkol sa nalaman nila.

Bilang sagot sa kanilang panalangin, si Juan Bautista, sa pamamatnubay ng Panginoong Jesucristo, ay nagpakita at iginawad sa kanila ang Aaronic Priesthood, sinasabing, “Sa inyo na aking kapwa tagapaglingkod, sa pangalan ng Mesiyas aking iginagawad ang Pagkasaserdoteng Aaron, na may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan” (Doktrina at mga Tipan 13:1). Sa pagsunod sa mga tagubilin ni Juan, bininyagan nina Joseph at Oliver ang isa’t isa at inordenan ang isa’t isa sa Aaronic Priesthood (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72.)

Hindi pa natatagalan mula nang magpakita si Juan Bautista, ang mga sinaunang Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan ay nagpakita rin kina Joseph at Oliver, sa pamamatnubay muli ni Jesucristo, at iginawad sa kanila ang Melchizedek Priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 128:20). “Ang Pagkasaserdoteng Melquisedec ang may hawak ng karapatan ng panguluhan, at may kapangyarihan at karapatan sa lahat ng katungkulan sa simbahan sa lahat ng kapanahunan ng daigdig, upang mangasiwa sa mga espirituwal na bagay” (Doktrina at mga Tipan 107:8). Dahil narito nang muli sa mundo ang awtoridad na ito, ang Simbahan ni Jesucristo ay maipanunumbalik sa kabuuan nito.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanumbalik, ang mga karagdagang susi ng priesthood ay ipinanumbalik noong Abril 3, 1836. Ang mga sinaunang propetang sina Moises, Elias, at Elijah ay nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery sa Kirtland Temple at ipinagkatiwala sa kanila ang mga susi ng kanilang mga dispensasyon. Dinala ni Moises ang mga susi ng pagtitipon ng Israel. Ipinanumbalik ni Elias ang mga susi ng dispensasyon ng ebanghelyo ni Abraham. Dinala ni Elijah ang mga susi ng pagbubuklod, na siyang makapagpapangyaring mabuklod ang mga pamilya magpakailanman. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110.)

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Resources sa Pag-aaral

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika

Mga Larawan