5
Ang Pagpapanumbalik ng Priesthood
Pambungad
Noong Mayo 15, 1829, si Juan Bautista ay nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery at ipinanumbalik ang Aaronic Priesthood. Hindi nagtagal, ang mga sinaunang Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan ay nagpakita kina Joseph at Oliver at ipinanumbalik ang Melchizedek Priesthood. Ang Melchizedek Priesthood ang may hawak ng awtoridad sa lahat ng katungkulan sa Simbahan at nangangasiwa sa lahat ng espirituwal na bagay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano kumikilos ang Simbahan sa ilalim ng pamamahala ng Melchizedek Priesthood.
Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito
-
Thomas S. Monson, “Ang Priesthood—Isang Sagradong Kaloob,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 57–60.
-
Dallin H. Oaks, “Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 49–52.
-
Larry C. Porter, “The Restoration of the Aaronic and Melchizedek Priesthoods,” Ensign, Dis. 1996, 30–47.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–71; Doktrina at mga Tipan 13:1
Ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood
Magdispley ng isang larawan ng binyag (tingnan sa Binatang Binibinyagan [Aklat ng Sining ng Ebanghelyo (2009), blg. 103; tingnan din sa LDS.org]) at isang larawan na nagpapakita ng pangangasiwa sa sakramento (tingnan sa Pagbabasbas ng Sacrament [Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 107; tingnan din sa LDS.org]). Sabihin sa mga estudyante na ilarawan kung paano maiiba ang buhay nila kung wala sa kanila ang mga sagradong ordenansang ito. Ipaalala sa mga estudyante na ang mga ordenansang ito ay kumakatawan sa ilan sa mga pagpapalang natatanggap natin dahil sa panunumbalik ng Aaronic Priesthood.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:68. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at tukuyin ang ginagawa nina Joseph Smith at Oliver Cowdery na naghikayat sa kanila na itanong sa Panginoon ang tungkol sa binyag. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila.
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:69. Ipaliwanag na ang mga salita ng sugo, na si Juan Bautista, ay nakatala rin sa Doktrina at mga Tipan 13. Itanong sa klase:
-
Bakit kailangang matanggap nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang priesthood mula sa isang sugo ng langit? (Walang sinuman sa mundo sa panahong iyon ang may taglay ng mga susi ng priesthood [tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:5].)
Ipabasa sa mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:70–71. Ipaliwanag na nilinaw ng mga talatang ito na si Propetang Joseph ang unang gumamit ng priesthood sa dispensasyong ito. May mga taong nagtatanong kung bakit hindi bininyagan ni Juan Bautista sina Joseph Smith at Oliver Cowdery at kung bakit iniutos sa dalawang lalaki na muling ipagkaloob ang priesthood sa isa’t isa. Maaari mong ipaliwanag na bagama’t kailangan para sa isang sugo ng Langit na may wastong awtoridad na ipanumbalik ang awtoridad ng priesthood sa lupa para sa isang bagong dispensasyon, sa sandaling maipanumbalik ang awtoridad na iyon, lahat ng mga ordenansa tulad ng binyag at ordenasyon ay dapat isagawa ng mga mortal na nilalang. Bukod dito, ang tagubilin ni Juan Bautista na muling ipagkaloob nina Joseph at Oliver ang priesthood sa isa’t isa ay naglalagay sa ‘ordenasyon at pagbibinyag sa tamang pagkakaugnay [o tamang pagkakasunud-sunod]” (Joseph Fielding Smith, Doctrines of Salvation, comp. Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 3:91).
Isulat sa pisara ang sumusunod na tanong:
Hikayatin ang mga estudyante na isipin ang tanong na ito habang binabasa mo nang malakas ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Ano ang ibig sabihin na hawak ng Aaronic Priesthood ‘ang susi ng paglilingkod ng mga anghel’ at ng ‘ebanghelyo ng pagsisisi at pagbibinyag, at ng kapatawaran ng mga kasalanan’? Ang ibig sabihin nito ay matatagpuan sa ordenansa ng binyag at ng sakramento. Ang binyag ay para sa kapatawaran ng mga kasalanan, at ang sakramento ay pagpapanibago ng mga tipan at mga pagpapala ng binyag. Pareho itong dapat pangunahan ng pagsisisi. …
“Wala sa [atin] ang namuhay nang walang kasalanan mula nang [ating] binyag. Kung walang oportunidad na malinis pa tayo matapos ang ating binyag, bawat isa sa atin ay espirituwal na maliligaw. …
“Inutos sa ating magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit sa Panginoon nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu, at tumanggap ng sakramento at sundin ang mga tipan nito. Kapag pinaninibago natin ang ating mga tipan sa binyag sa ganitong paraan, pinaninibago ng Panginoon ang nakalilinis na epekto ng ating binyag. …
“Hindi natin maaaring maliitin ang kahalagahan ng Aaronic Priesthood sa bagay na ito. Lahat ng mahahalagang hakbang na ito na nauukol sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ay isinasagawa sa pamamagitan ng nakapagliligtas na ordenansa ng binyag at nakapagpapanibagong ordenansa ng sakramento” (“The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 37–38).
Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa tanong sa pisara. Magpatotoo na dahil sa mga ordenansa ng Aaronic Priesthood matatamo natin ang maraming pagpapala ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, kabilang na ang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Joseph Smith—Kasaysayan 1:72; Doktrina at mga Tipan 84:19–22; 107:8, 18–19
Ipinanumbalik nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood
Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa habang binabasa nang malakas ng isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:72. Upang matulungan ang mga estudyante na mapalawak ang kanilang pag-unawa sa konteksto ng talatang ito, ipaliwanag na di pa natatagalan mula nang dumating si Juan Bautista, tinanggap nina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Melchizedek Priesthood mula kina Pedro, Santiago, at Juan. Naganap ito noong Mayo 1829, sa tabi ng Ilog ng Susquehanna (tingnan sa Larry C. Porter, “The Restoration of the Aaronic and Melchizedek Priesthoods,” Ensign, Dis. 1996, 30–47). Matapos maorganisa ang Simbahan, natanggap ng propeta ang iba pang mga paghahayag tungkol sa doktrina at layunin ng priesthood. Ang priesthood ay isang pangkaraniwang tema sa buong Doktrina at mga Tipan.
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 84:19 at 107:8, 18–19, at alamin kung paano inilalarawan ng mga talatang ito ang awtoridad ng Melchizedek Priesthood. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na i-cross-reference ang mga talatang ito. (Paalala: Ang pag-cross-reference ay ginagamit sa pag-aaral ng banal na kasulatan na magbibigay sa inyo ng karagdagang impormasyon at kaalaman tungkol sa talatang inyong pinag-aaralan.) Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nalaman nila tungkol sa Melchizedek Priesthood. Habang sumasagot sila, isulat sa pisara ang mga sumusunod na parirala:
Maaari mong ibuod ang mga sagot sa pisara sa pagbibigay-diin sa sumusunod na katotohanan: Ang Melchizedek Priesthood ang may hawak ng mga susi ng lahat ng mga ordenansa at espirituwal na pagpapala ng Simbahan. Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga parirala sa pisara, talakayin ang ilan o lahat ng mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang ilang paraan na “nangangasiwa ng ebanghelyo” ang Melchizedek Priesthood”? (D at T 84:19). (Maaaring kasama sa mga sagot ang pangangasiwa sa mga partikular na ordenansa at pamamahala sa Simbahan.)
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin na ang Melchizedek Priesthood ay “humahawak ng susi ng mga hiwaga ng kaharian”? (D at T 84:19). (Maaari mong ipaliwanag na ang “mga hiwaga ng Diyos ay mga espirituwal na katotohanang nalalaman lamang sa pamamagitan ng paghahayag” [Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hiwaga ng Diyos, Mga” scriptures.lds.org]. Maliban sa iba pang mga hiwaga, ang talatang ito ay tumutukoy sa mga ordenansa sa templo na hindi nagtagal ay inihayag kay Joseph Smith at sa katotohanan na dapat pangasiwaan ang mga ito sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood. Sa templo, malalaman ng karapat-dapat na mga miyembro ng Simbahan ang ilan sa “mga hiwaga ng Diyos” habang nakikibahagi sila sa mga ordenansa na isinasagawa roon at tinutupad ang mga kaakibat na mga tipan.)
-
Paano nakatutulong sa atin ang Melchizedek Priesthood na magkaroon ng “kaalaman tungkol sa Diyos”? (D at T 84:19). (Nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol sa Diyos habang nakikibahagi tayo sa mga ordenansa na isinasagawa sa pamamagitan ng Melchizedek Priesthood.)
Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang pariralang “kaalaman tungkol sa Diyos,” maaari mong basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ng Unang Panguluhan:
“Ano ang susi ng kaalaman tungkol sa Diyos, at matatamo ba ito nang kahit sino? Kung walang priesthood walang maaaring maging ganap na kaalaman tungkol sa Diyos. Sinabi ni Propetang Joseph Smith na ang ‘Melchizedek Priesthood … [ay] siyang daluyan kung saan ang lahat ng kaalaman, doktrina, plano ng kaligtasan, at bawat mahalagang bagay ay inihahayag mula sa langit’ [Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2007), 126] “(“Ang Susi ng Kaalaman Tungkol sa Diyos” Ensign, Nob. 2004, 52).
Ipabasa sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 84:20–22. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mga paraan na matatamasa ng bawat miyembro ng Simbahan ang lahat ng espirituwal na pagpapala sa pamamagitan ng Melchizedek Priesthood. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:
-
Anong mga ordenansa ang mapangangasiwaan lamang sa pamamagitan ng awtoridad ng Melchizedek Priesthood? (Kumpirmasyon, pagkakaloob ng Melchizedek Priesthood, mga ordenansa sa templo, pagbabasbas sa mga sanggol, pagpapahid ng langis at pagbabasbas sa maysakit, mga patriarchal blessing, pagtatalaga sa isang tao para sa isang katungkulan.)
-
Paano makatutulong ang mga ordenansa ng priesthood sa isang tao na maranasan ang “kapangyarihan ng kabanalan,” ibig sabihin ng kakayahang maging katulad ng Diyos?
-
Paano tayo matutulungan ng mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood na maging handa na pagharap sa Diyos?
-
Paano nakatutulong sa inyo ang mga ordenansa ng priesthood na maging higit na katulad ng Diyos?
-
Ano ang iba pang mga karanasan na tumulong sa inyo na pasalamatan ang priesthood at magkaroon ng patotoo tungkol dito?
Maaari mong ibahagi ang sarili mong patotoo tungkol sa mga pagpapala ng priesthood. Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung paano nila mas maiaayon ang sarili sa patnubay na nagmumula sa kanilang mga priesthood leader.
Mga Babasahin ng mga Estudyante
-
Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–72; Doktrina at mga Tipan 13:1; 84:18–22; 107:1–19.
-
Thomas S. Monson, “Ang Priesthood—Isang Sagradong Kaloob,” Ensign o Liahona, Mayo 2007, 57–60.