4
Ang Aklat ni Mormon—Saligang Bato ng Ating Relihiyon
Pambungad
Ang Aklat ni Mormon ay ang saligang bato ng ating relihiyon at ang katibayan na ipinanumbalik ng Diyos ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mundo sa ating panahon. Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994) na ang Aklat ni Mormon “ang saligang bato sa ating patotoo kay Jesucristo. Ito ang saligang bato ng ating doktrina. Ito ang saligang bato ng patotoo” (“The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 5). Kapag pinalalim ng mga estudyante ang kanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon, mapapatibay sila laban sa mga naghahangad na pasinungalingan ang katotohanan nito.
Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito
-
Ezra Taft Benson, “The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 4–7.
-
Jeffrey R. Holland, “Kaligtasan para sa Kaluluwa,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 88–90.
-
“Book of Mormon and DNA Studies,” Gospel Topics, lds.org/topics.
Mga Mungkahi sa Pagtuturo
Doktrina at mga Tipan 17:6; 19:26; 20:5–12
Ang Aklat ni Mormon ay katibayan na ipinanumbalik ng Diyos ang katotohanan sa ating panahon
Bago magklase, isulat sa pisara ang mga sumusunod na petsa at pangyayari.
-
Ano ang matututuhan natin mula sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring ito tungkol sa papel na ginagampanan ng Aklat ni Mormon sa Panunumbalik ng ebanghelyo? (Ang Aklat ni Mormon ay dapat munang matapos bago maipanumbalik ang Simbahan. Mahalaga ang gagampanan nito para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.)
Ipaliwanag na noong inorganisa ang Simbahan noong Abril 1830, katatapos pa lang malimbag ang Aklat ni Mormon, at halos dalawang linggo bago ang araw na iyon, ay naipaalam na mabibili na ang aklat. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan 20:8–12, at alamin kung ano ang nilalaman ng Aklat ni Mormon at ang pinapatunayan nito. Maaari mo ring ng imungkahi sa mga estudyante na markahan ang mga nalaman nila. (Paalala: Sa kursong ito, maaari mong hikayatin ang mga estudyante na markahan ang mahahalagang katotohanan na natutuklasan nila sa kanilang mga banal na kasulatan.) Habang nagbabasa ang mga estudyante, isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag:
Matapos ang sapat na oras, itanong sa mga estudyante ang mga sumusunod:
-
Batay sa nabasa ninyo, paano ninyo kukumpletuhin ang pahayag sa pisara? (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga estudyante, ngunit tiyaking matutukoy nila ang sumusunod na katotohanan: Ang Aklat ni Mormon ay nagpapatunay sa mundo na ang mga banal na kasulatan ay totoo, na ang Diyos ay humihikayat at tumatawag ng mga tao upang gawin ang Kanyang gawain sa ating panahon, at ang Diyos ay hindi nagbabago.)
-
Paano pinatunayan ng Aklat ni Mormon na ang Diyos ay humihikayat at tumatawag ng mga tao upang gawin ang Kanyang gawain sa ating panahon?
-
Kapag nalaman ng isang tao na totoo ang Aklat ni Mormon, ano ang malalaman niya tungkol kay Propetang Joseph Smith?
Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Doktrina at mga Tipan 17:6 at 19:26, at alamin ang pagkakapareho ng dalawang talatang ito.
-
Ano ang magkapareho sa dalawang talatang ito? (Ang pahayag ng Panginoon tungkol sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.)
-
Ano ang halaga nito sa inyo na malaman na inihayag ng Panginoon ang kanyang patotoo sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?
Ang Aklat ni Mormon ay saligang bato ng ating relihiyon
Isulat sa pisara ang sumusunod na katotohanan: Ang Aklat ni Mormon ay saligang bato ng ating relihiyon.
-
Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994), at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:
“May tatlong paraan na ang Aklat ni Mormon ang saligang bato ng ating relihiyon. Ito ang saligang bato sa ating patotoo kay Cristo. Ito ang saligang bato ng ating doktrina. Ito ang saligang bato ng patotoo” (“The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 5).
Hatiin ang klase sa mga maliliit na grupo. Bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga sumusunod na paksa: Paano naging “saligang bato sa ating patotoo kay Cristo,” ang Aklat ni Mormom, paano ito naging “saligang bato ng ating doktrina”, o kung paano ito naging “saligang bato ng patotoo.” (Maaaring kailanganin mong i-assign ang bawat paksa sa dalawa o mahigit pang grupo.) Bigyan ang bawat grupo ng isang kopya ng sumusunod na handout at sabihin sa kanila na gamitin ang pahayag na tugma sa kanilang paksa sa kanilang mga talakayan.
Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natalakay nila.
Tapusin ang bahaging ito ng lesson sa pagsasabi sa mga estudyante na ibahagi ang nadarama nila tungkol sa Aklat ni Mormon at ibahagi kung paano ito naging saligang bato ng sarili nilang patotoo.
Tinatangka ng mga kaaway na pabulaanan ang Aklat ni Mormon
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
“Sa loob ng [mahigit sa 180] taon ang aklat na ito ay sinuri at kinutya, tinatwa at pinag-aralan upang pabulaanan, tinuligsa at pinagwatak-watak na hindi pa ginawa marahil sa [iba pang] aklat sa kasaysayan ng relihiyon [sa makabagong panahon]—[na hindi pa ginawa marahil sa alinmang aklat sa kasaysayan ng relihiyon]. At ito ay nananatili pa ring naririto. Ang mga bigo at kadalasang hangal na mga teoriya tungkol sa pinagmulan nito ay lumabas, inulit-ulit, at naglaho—mula kina Ethan Smith hanggang kay Solomon Spaulding at sa hangal o manlilinlang na henyo. Wala ni isa man sa masasabing walang kabuluhang pahayag sa aklat ang nakapasa sa pagsubok dahil walang ibang pahayag maliban sa ibinigay ni Joseph, ang bata at di nakapag-aral na tagapagsalin nito. Dito‘y sang-ayon ako sa aking lolo sa tuhod na nagsabing, ‘Walang masamang tao na makasusulat ng ganitong aklat, at walang mabuting lalaking makasusulat nito, maliban na ito ay tunay at inutusan siya ng Diyos na gawin ito’” (“Kaligtasan para sa Kaluluwa,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 89).
-
Bakit mahalagang alalahanin na ang mga kaaway ngayon ng Simbahan ay madalas tangkaing pasinungalingan ang Aklat ni Mormon?
-
Paano nasusuportahan ng sinabi ng lolo-sa-tuhod ni Elder Holland ang katotohanan ng Aklat ni Mormon?
Bilang halimbawa, maaari mong ipaliwanag na ang isang paraan na ginagawa ng mga kaaway ngayon ng Simbahan ay ang tangkaing pasinungalingan ang Aklat ni Mormon gamit ang DNA bilang ebidensiya upang pasinungalingan ang anumang pagkakaugnay ng mga tao sa Aklat ni Mormon at ang mga Katutubong Amerikano. Kung may mga tanong ang mga estudyante tungkol sa isyung ito, hikayatin silang basahin ang artikulo sa Gospel Topics na “Book of Mormon and DNA Studies,” na matatagpuan sa lds.org/topics.
Mahigpit na panghawakan ang alam ninyong totoo
Sabihin sa mga estudyante na kunwari ay sinabi ng isang kaibigan nila na may narinig siyang isang bagay na tila sumasalungat sa katotohanan ng Aklat ni Mormon.
-
Ano ang ipapayo ninyo sa inyong kaibigan?
-
Paano makatutulong sa inyo ang inyong patotoo na ang Aklat ni Mormon ay totoo kapag may naririnig o nababasa kayo na pagbatikos sa Aklat ni Mormon?
Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Sa mga sandali ng … pag-aalinlangan o problema, panindigan ang inyong pananampalataya, kahit limitado pa iyon. … Pagdating ng mga sandaling iyon at magkaroon ng mga problema, at hindi ito malutas kaagad, manangan nang mahigpit sa nalalaman na ninyo at manindigan hanggang sa dumating ang karagdagang kaalaman” (“Panginoon, Nananampalataya Ako,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 93–94).
-
Paano ninyo maiaangkop ang pahayag ni Elder Holland kapag may nagtatanong kung totoo ba ang Aklat ni Mormon? (Maaring magmungkahi ng iba’t ibang sagot ang mga estudyante, ngunit maaari mong bigyang-diin ang sumusunod na alituntunin: Kapag may mga nagtatanong o nag-aalinlangan tungkol sa ebanghelyo, dapat nating panghawakan ang alam na nating totoo at magtiwala na maaari tayong makahanap ng karagdagang sagot sa pamamagitan ng karagdagang pag-aaral o kaya naman ay ihahayag ng Diyos ang sagot sa hinaharap)
-
Anong mga katotohanan ang alam na ninyo tungkol sa Aklat ni Mormon at ang mga alituntuning nakapaloob dito? Paano ninyo natamo ang kaalamang iyan?
Tapusin ang lesson sa pagpapakita ng sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:
“Dapat pag-aralan ng bawat Banal sa mga Huling Araw ang aklat na ito nang habambuhay. Kung hindi ay ipinapahamak niya ang kanyang kaluluwa at binabalewala ang makapagtutugma ng espirituwal at intelektuwal na aspeto sa kanyang buong buhay. May pagkakaiba sa pagitan ng miyembrong nakasalig sa bato ni Cristo sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon at nananatiling nakahawak sa gabay na bakal, at sa taong hindi [nakasalig] dito” (“The Book of Mormon Is the Word of God,” Ensign, Ene. 1988, 5).
-
Paano kayo mapoprotektahan ng palagiang pag-aaral ng Aklat ni Mormon laban sa mga taong gustong sirain ang inyong pananampalataya?
Magpatotoo tungkol sa katotohanan ng Aklat ni Mormon. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nakaimpluwensya sa kanilang mga buhay ang Aklat ni Mormon. Sabihin sa kanila na isipin kung ano ang magagawa nila para mas mabigyan ng prayoridad ang pag-aaral ng Aklat ni Mormon. Ipaalala sa mga estudyante ang pangako ni Moroni, na matatagpuan sa Moroni 10:3–5, na yaong mga nagnanais na palakasin ang kanilang patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon ay magagawa iyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng aklat at pagdarasal tungkol sa katotohanan nito.
Mga Babasahin ng mga Estudyante
-
Ezra Taft Benson, “The Book of Mormon—Keystone of Our Religion,” Ensign, Nob. 1986, 4–7.
-
Jeffrey R. Holland, “Kaligtasan para sa Kaluluwa,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 88–90.