Pag-aaral ng Doktrina
Korum
Buod
Ang korum ng priesthood ay isang organisadong grupo ng kalalakihan o kabataang lalaki na mayhawak ng priesthood. “Ang mga pangunahing layunin ng mga korum ay paglingkuran ang iba, bumuo ng pagkakaisa at kapatiran, at turuan ang mga miyembro tungkol sa mga doktrina, alituntunin, at tungkulin” (Hanbuk 2: Pangangasiwa sa Simbahan, 7.1.2). Inoorganisa ang mga korum para sa Melchizedek Priesthood at Aaronic Priesthood.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Melchizedek Priesthood Quorum
Ang mga Apostol at Seventy ay inoorganisa sa mga korum sa pangkalahatang antas ng Simbahan. Ang Unang Panguluhan ang pinakamataas na lupon na namamahala at namumuno sa lahat ng gawain ng Simbahan. Ang Korum ng Labindalawang Apostol ang pangalawa sa pinakamataas na lupon na namamahala sa Simbahan. Tinatawag ang mga Apostol na maging “mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo sa buong daigdig” (Doktrina at mga Tipan 107:23). Naglilingkod ang mga Seventy sa ilalim ng pamamahala ng Korum ng Labindalawang Apostol at tinatawag na “mangaral ng ebanghelyo, at na maging mga natatanging saksi sa mga Gentil at sa buong daigdig” (Doktrina at mga Tipan 107:25). Ang mga Seventy ay inoorganisa sa mga korum ng mga General Authority Seventy at mga Area Seventy. Naglilingkod ang mga General Authority Seventy sa iba’t ibang dako ng mundo, at naglilingkod naman ang mga Area Seventy sa mga lokal na area.
“Bawat stake ay may isang high priests quorum. Ang stake [presidency] ang panguluhan ng korum na iyon. Ang mga miyembro ng korum na iyon ay mga high priest na kasalukuyang naglilingkod sa mga sumusunod na katungkulan: ang stake president at kanyang mga tagapayo, ang mga bishop sa stake at kanilang mga tagapayo, mga high councilor, at mga nanunungkulang patriarch” (Hanbuk 2, 7.1.2).
Bawat ward ay may isa o higit pang mga elders quorum. Ang elders quorum ay kinabibilangan ng lahat ng elder at prospective elder (kalalakihang edad 19 pataas na hindi nagtataglay ng Melchizedek Priesthood) sa ward. Kabilang din dito ang mga high priest na kasalukuyang hindi naglilingkod sa mga calling na bumubuo sa high priests quorum.
Mga Aaronic Priesthood Quorum
Sa bawat ward inoorganisa ng bishop ang mga deacon—karaniwan mga kabataang lalaki na magiging 12 o 13 taong gulang sa isang partikular na taon—sa isang korum na binubuo ng hanggang 12 miyembro. Inoorganisa niya ang mga teacher—karaniwan mga kabataang lalaki na magiging 14 o 15 taong gulang sa isang partikular na taon—sa isang korum na binubuo ng hanggang 24 na miyembro. At inoorganisa niya ang mga priest—karaniwan mga kabataang lalaki na magiging 16 o 17 taong gulang sa isang partikular na taon—sa isang korum na binubuo ng hanggang 48 miyembro. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:85–87.)
Kung humigit pa rito ang bilang ng mga miyembro ng korum, maaaring hatiin ng bishop ang korum. Bago ito gawin, isinasaalang-alang niya ang bilang ng miyembro ng korum, kung may matatawag na mamumuno, at ang epekto sa mga miyembro ng korum. (Tingnan sa Hanbuk 2, 8.1.2.)
Pamunuan ng Korum
Ang mga korum ay pinamumunuan ng isang pangulo na itinalaga na mamuno. Binibigyan din ang pangulo ng mga susi ng priesthood na kinakailangan para gampanan ang mga responsibilidad ng katungkulang iyon. Karaniwang kasama sa mga korum ng ward at stake ang mga tagapayo na tinawag para suportahan ang pangulo at para makabuo ng isang presidency.
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Melchizedek Priesthood,” Hanbuk 2, 7