Ikapu
Kung hinahanap mo ang Ikapu at mga Donasyon Online, mag-klik lamang dito.
Buod
Nakasaad sa Biblia na sinunod ng mga tao ng Diyos ang batas ng ikapu noong unang panahon; sa pamamagitan ng mga makabagong propeta, ipinanumbalik ng Diyos ang batas na ito upang pagpalain ang Kanyang mga anak. Upang masunod ang kautusang ito, ibinibigay ng mga miyembro ng Simbahan ang ikasampung bahagi ng kanilang kita sa Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan. Ang mga pondong ito ay ginagamit upang maitatag ang Simbahan at maisulong ang gawain ng Panginoon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang pribilehiyong magbayad ng ikapu ay isa sa mga pagpapala ng pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang pribilehiyong ito ay may dobleng pagpapala. Sa pagbabayad ng ikapu, ipinakikita ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang pasasalamat sa Diyos para sa kanilang mga pagpapala at ang kanilang determinasyon na magtiwala sa Panginoon sa halip na sa mga materyal na bagay. Tumutulong din sila na maisulong ang gawain ng Panginoon sa lupa, binibigyan ang iba pang anak ng Diyos ng pagkakataong matuto tungkol sa Kanya at umunlad sa ebanghelyo.
Ginagawa na ang pagbabayad ng ikapu mula pa noong panahon ng Lumang Tipan. Halimbawa, nakatala sa Genesis 14:17–20 na nagbayad si Abraham ng ikapu kay Melquisedec.
Sa pamamagitan ng propetang si Malakias, ipinahayag ng Panginoon:
“Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo’y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan” (Malakias 3:10).
Ibinibigay ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang mga donasyong ikapu sa kanilang mga lokal na lider. Direktang ipinadadala ng mga lokal na lider na ito ang mga pondo ng ikapu sa punong-tanggapan ng Simbahan, kung saan isang konseho ang nagpapasiya ng mga partikular na paraan kung paano gagamitin ang mga sagradong pondo. Ang konsehong ito ay binubuo ng Unang Panguluhan, Korum ng Labindalawang Apostol, at Presiding Bishopric. Kumikilos ayon sa paghahayag, sila ay nagpapasiya habang ginagabayan sila ng Panginoon. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 120:1.)
Ang pondo ng ikapu ay palaging ginagamit para sa mga layunin ng Panginoon—magtayo at magpanatili ng mga templo at meetinghouse, suportahan ang gawaing misyonero, turuan ang mga miyembro ng Simbahan, at isulong ang gawain ng Panginoon sa iba’t ibang panig ng mundo.
Tulad ng mga miyembro ng iba pang relihiyon, naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na ang pagbabayad ng ikapu ay nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos at naghahatid ng mga espirituwal at temporal na pagpapala.
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ikapu”
Mga Mensahe Mula sa Mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Jane McBride Choate, “First Things First,” Friend, Nobyembre 2016
David Erland Isaksen, “Hindi na Makapaghintay ang Aking Ikapu,” Liahona, Pebrero 2011
Oscar Alfredo Benavides, “Tapat na Pagbabayad ng Ikapu, Isang Malaking Pagpapala,” Liahona, Pebrero 2011
Joshua J. Perkey, “Nakilala ang Panginoon sa Tonga,” Liahona, Setyembre 2010
Te Kuang Ko, “Mga Pagpapala ang Bunga ng Pagsunod,” Liahona, Agosto 2010
Hildo Rosillo Flores, “Ninakawan Ko Ba ang Diyos?” Liahona, Pebrero 2010
Patricia R. Jones, “Pag-aaral ng Batas ng Diyos,” Liahona, Abril 2007
Charlotte Arnold, “Mga Grocery o Ikapu?” Liahona, Abril 2006
Don L. Searle, “Patotoo ng Isang Pamilya Tungkol sa Ikapu,” Liahona, Disyembre 2005
Ana Cristina Merino Rivas, “Hindi Sapat para sa Ikapu?” Liahona, Oktubre 2005
“Saan Napupunta ang Ikapu?” Liahona, Setyembre 2005
Sarah Westbrook, “Ang Gulong ng Aking Ikapu,” Liahona, Hunyo 2005
“Walang Sapat na Silid na Kalagyan,” Liahona, Disyembre 2003
Jennifer M. Severino, “Pagbabayad ng Ikapu,” Liahona, Disyembre 2002
C. Elmer Black Jr., “Pagtuturo sa Ating mga Anak na Magbayad ng Ikapu,” Liahona, Disyembre 2001
“Mga Tanong at mga Sagot,” Liahona, Hunyo 2001
Mga Manwal sa Pag-aaral
Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan
Mga Kuwento
Resources sa Pagtuturo
Mga Outline sa Pagtuturo
Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo ng mga Bata
“Tithing,” Lesson Helps for Teaching Children