2010
Mga Pagpapala ang Bunga ng Pagsunod
Agosto 2010


Mga Pagpapala ang Bunga ng Pagsunod

Te Kuang Ko, Taiwan

Matapos kong siyasatin ang Simbahan nang dalawang buwan, itinuro sa akin ng mga misyonero ang tungkol sa batas ng ikapu at inanyayahan akong magbayad ng ikapu kapag nabinyagan na sa Simbahan. Tila imposible iyon sa liit ng kinikita ko, pero bago ko pa masabi sa kanila ang nadarama ko, natapos na ang aming pag-uusap.

Nang Linggong iyon sa simbahan, binati ako ng branch president. Tinanong ko siya tungkol sa ikapu, at nangako siyang kakausapin ako nang sarilinan pagkatapos ng pulong.

Nang magkausap na kami, ipinaliwanag ko, “Sinabi sa akin ng mga misyonero na kailangan kong magbayad sa Simbahan ng ikasampung porsyento ng kinikita ko kapag naging miyembro na ako. Hindi ko alam kung magagawa ko ito.”

Matapos pakinggan ang alalahanin ko, binuklat ng pangulo ang Aklat ni Mormon, at binasa ang 3 Nephi 24:10 , “Dalhin ninyo ang lahat ng ikasampung bahagi sa kamalig … at subukin ninyo ako ngayon, wika ng Panginoon ng mga Hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga durungawan ng langit, at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na lugar na mapaglalagyan nito.” Pagkatapos ay sinabi niya, “Brother Ko, pansinin mong mabuti ang sinabing ito ng Panginoon, ‘Subukin ninyo ako ngayon.’ Iyan ang paanyaya Niya sa iyo. Bakit hindi mo Siya subukin sa pamamagitan ng pagbabayad kaagad ng ikapu sa susunod na buwan at tingnan mo kung hindi ka Niya pagpapalain.”

Sinimulan ko kaagad na subukan ang pagbabayad ng ikapu at sumapi sa Simbahan. Mula noon gumawa ako ng panibagong pamamaraan ng paghawak ng pera. Higit sa lahat, nalaman ko mismo sa sarili ko na ang Diyos ay nagbubuhos ng pagpapala, at walang lugar na sapat na paglagyan nito. Natutuhan ko na dapat nating sundin ang mga utos ng Diyos bago tayo makaasa sa Kanyang mga pagpapala.