2010
Pagiging Karapat-dapat na Pumasok sa Templo
Agosto 2010


Ang Ating Paniniwala

Pagiging Karapat-dapat na Pumasok sa Templo

Ang mga templo ay literal na mga bahay ng Panginoon. Sa loob ng templo tayo ay gumagawa ng mga sagradong tipan, o pangako, sa Diyos na kailangan natin upang makapiling Niya sa pinakamataas na antas ng kaluwalhatian sa langit (tingnan sa D at T 131:1–4). Ang mga tipang ito sa templo ay humahantong sa mga dakilang pagpapala na nakakamtan sa pamamagitan ni Jesucristo.

Hindi tayo inaasahang maging perpekto upang makapasok sa templo. Sa halip, ang layunin ng mga bagay na natututuhan natin at ng mga tipan na ginagawa natin sa templo ay tulungan tayong maging perpekto. Gayunman, kailangang maging karapat-dapat tayo upang makapasok.

Ang temple recommend ay nangangahulugang tayo ay napatunayang karapat-dapat sa pamamagitan ng pag-interbyu ng isang miyembro ng ating bishopric o ng branch president at ng pag-interbyu rin ng isang miyembro ng ating stake presidency o ng mission presidency. Ang mga interbyu para sa temple recommend ay mga pagkakataon para masuri natin kung karapat-dapat tayo. Sa bawat interbyu, tatanungin tayo ng ating mga lider sa priesthood tungkol sa ating sariling pag-uugali at pananampalataya. Pinananatiling pribado at kumpidensyal ng ating mga lider sa priesthood ang mga interbyung ito.

Kung mapatunayan ng ating mga lider sa priesthood na karapat-dapat tayong pumasok sa templo, tatanggap tayo ng temple recommend. Pinipirmahan natin ang ating recommend na nagpapatunay na karapat-dapat tayong pumasok sa templo. Pinipirmahan din ng ating mga lider sa priesthood ang ating recommend bilang karagdagang mga saksi sa ating pagkamarapat. Pinahihintulutan tayo ng recommend na ito na makapasok sa templo sa susunod na dalawang taon basta mananatili tayong karapat-dapat.

Ang Unang Panguluhan ay bumuo ng mga tanong na gagamitin sa interbyu sa pagkuha ng temple recommend. Ang mga tanong ay pareho sa lahat.

Ang sumusunod ay ilan sa mga paksang itatanong sa inyo ng inyong mga lider sa priesthood:

  1. Ang iyong patotoo tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo.

  2. Kung sinasang-ayunan mo ang Pangulo ng Simbahan.

  3. Kung ipinamumuhay mo ang batas ng kalinisang-puri, nagbabayad ng ikapu, tapat sa pakikitungo sa iba, at sinusunod ang Word of Wisdom.

  4. Kung sinisikap mong magsimba, tinutupad ang mga ginawa mong tipan, at pinananatiling nakaayon ang iyong buhay sa mga kautusan ng ebanghelyo.

Larawan ng Bountiful Utah Temple na kuha ni Steve Tregeagle; mga paglalarawan nina Christina Smith, John Luke, Steve Bunderson, at Matthew Reier; larawan ng Vernal Utah Temple baptistry na kuha ni Tamra Hamblin