2010
Kapaki-pakinabang sa Bawat Isa
Agosto 2010


Kapaki-pakinabang sa Bawat Isa

Habang nagpaplano ang mga lider at kabataan at isinasagawa ang mga aktibidad, makatutulong sila sa paglikha ng mga alaala—at mga patotoo—na madadala sa kawalang hanggan.

“Ano ang gagawin natin sa linggong ito?” ay tanong na maaaring madalas marinig ng mga lider—at marahil kinatatakutan din—sa pagsisikap nating matulungan ang mga kabataan sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga epektibong aktibidad sa Mutual. At kahit kadalasan ay alam natin ang sagot sa tanong na iyan, siguro mas mahirap ang tanong na “Ano ang naisasakatuparan natin sa paggawa ng ginagawa natin sa linggong ito?”

Kamakailan, habang nagsasalita sa mga lider ng mga kabataan, nagpayo si Pangulong Thomas S. Monson na “ang pangunahing responsibilidad na tulungan ang mga kabataan na piliin ang tama kapag kailangan nilang pumili ay mahalaga pa rin tulad ng dati.”

“Bigyan sila ng mga alaala na dadalhin nila sa kawalang hanggan,” sabi niya, “at pagpapalain ng Panginoon ang inyong pangalan.” Inulit niya, tulad ng madalas niyang gawin, na binibigyang-inspirasyon ng Panginoon ang sinumang tawagin Niya.1

Inanyayahan ng Liahona ang ilang lider ng Simbahan na alalahanin ang isang mahalagang aktibidad sa Mutual o iba pang aktibidad ng mga kabataan at ibahagi ang nagawa nito para sa kanila. Marahil mapapanatag ang mga lider ngayon sa mga karanasang ito, natatanto na ang kanilang pagsusumigasig ay nakatutulong sa paglikha ng mahahalagang alaala—at walang hanggang mga patotoo.

Tala

  1. Tingnan sa Sarah Jane Weaver, “Building on a Firm Foundation for Young Women,” Church News, Nob. 28, 2009, 3.

Mga paglalarawan nina Christina Smith at Craig Dimond

Retrato ni Sister Dalton © Busath.com