2010
Wales
Agosto 2010


Ang Kasaysayan ng Simbahan sa Iba’t Ibang Panig ng Daigdig

Wales

Unang dumating ang mga misyonero sa Wales noong 1840 at sa loob ng apat na buwan nakabuo sila ng kongregasyon ng 150 katao sa North Wales. Sa South Wales, nahirapang humanap ng matuturuan ang mga misyonero noong una, pero sa loob ng 15 taon, 80 porsyento ng mga nabinyagang taga-Wales ay mula sa katimugang Wales.

Noong Enero 1845, si Dan Jones, isang Welsh na sumapi sa Simbahan sa Estados Unidos, ay nagbalik sa Wales bilang misyonero. Sinimulan niya ang paglalathala ng ilang materyal ng Simbahan at tumulong sa pagpapatatag ng Simbahan. Noong 1846 ang himnong Welsh ang naging unang LDS na himno na hindi nakasulat sa wikang Ingles. Ang unang LDS meetinghouse sa Wales ay itinayo noong 1849. Nang panahong iyon, mahigit 3,600 lang ang mga miyembro sa Wales.

Marami sa naunang mga miyembro sa Wales ang nandayuhan sa Utah. Kabilang doon si John Parry, na bumuo ng isang koro na siyang naging Mormon Tabernacle Choir. Ang unang stake sa Wales, ang Merthyr Tydfil stake, ay binuo noong 1975.

Ang Simbahan sa Wales

Bilang ng mga Miyembro

9,110

Mga Stake*

2

Mga Ward at Branch

17

  • Ang Chester England Stake ay kinabibilangan din ng limang ward at branch sa Wales.