Ang Ating Pahina
Isang araw ng Linggo pagkatapos magsimba, kami ng inay at mga kapatid ko ay nasa kotse na at handa nang umuwi. Pero hindi namin makita ang susi ng kotse. Bago iyon inilagay ni Itay ang lahat ng mga bag namin sa kotse at naglakad pauwi kasama ang nakababata kong kapatid na babae na nakasakay sa stroller. Saan-saan na namin hinanap ang susi, pero hindi namin ito makita. Sa Primary at sa family home evening, natutuhan ko na dapat tayong magdasal palagi kapag kailangan natin ng tulong. Sinabi ko kay Inay na dapat kaming magdasal para matulungan kami ng Ama sa Langit. Masayang-masaya si Inay, at sama-sama kaming nagdasal. Walang anu-ano ay dumating ang aming lola at dinala sa amin ang susi. Hindi sinasadyang nadala ni Itay ang susi at ipinadala ito sa aming lola. Alam kong tinulungan kami ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagpapadala sa aming lola. Palagi Niya tayong tutulungan, kahit sa pamamagitan ng ibang tao.
Samuel K., edad 5, Germany
Hiniling ni Pangulong Monson sa lahat ng mga bata na tulungan ang isang taong nangangailangan. Pito kaming anak ng nanay ko, at tinutulungan ko siyang maglinis sa kusina tuwing umaga, na nagpapasaya sa kanya. Masaya ako at dama kong masaya rin siya kapag tinutulungan ko siya. Sa palagay ko magiging masaya rin si Pangulong Monson, at gayon din si Jesus, na tinutulungan ko si Inay at sumusunod ako sa mga magulang ko.
Mylena L., edad 11, São Paulo, Brazil
Alam kong si Propetang Joseph Smith ang nagsalin ng Aklat ni Mormon. Gustung-gusto ko ang mga kuwentong nababasa ko tungkol kay Jesus sa mga banal na kasulatan. Alam kong mahal na mahal ako ni Jesus at ang lahat ng maliliit na bata. Gusto kong matutuhan pa ang tungkol kay Jesus sa Primary. Masaya ako na kasama ko ang pamilya ko sa pagsisimba tuwing Linggo. Mahal ko ang pamilya ko.
Adrial T., edad 5, Malaysia