Komentaryo
Dumating ang Tulong Bago Pa Ito Kinailangan
Inisip kong basahin ang buong magasin, kahit sa tingin ko ay hindi ko kailangan ang isang partikular na artikulo, at iyan ang dahilan kung bakit nabasa ko ang “Paglutas sa Postpartum Depression [Kalumbayan Matapos Manganak]: Isang Pananaw ng Ebanghelyo,” sa isyu noong Agosto 2009.
Ngunit nang isilang ang anak kong babae noong Oktubre ng taong iyon, kaagad kong natanto ang mga sintomas na nararanasan ko noon at agad kong natanggap ang tulong na kailangan ko, tulad ng iminungkahi sa artikulo. Nakabawi ako sa loob lamang ng ilang buwan.
Ang Liahona ay higit pa sa isang magasin; ito ay resipe, mapa, gabay, at kompas.
Bertha Viola Rétiz Espino, Mexico
Ang Ating Paniniwala
Gusto ko ang bagong anyo ng Liahona. Ang paborito kong bahagi ay Ang Ating Paniniwala. Makikita ng mga bagong miyembro at hindi miyembro na napakainam nitong pagkunan ng kaalaman at kalakasan. Salamat sa inyo sa bagong magasin.
Jonatan De Oliveira
Mangyaring ipadala ang inyong komentaryo o mga mungkahi sa liahona@ldschurch.org. Ang mga isinumite ay maaaring i-edit para umakma ang haba o mas luminaw pa.