Ang Paghubog sa Magiging mga Misyonero
Bilang miyembro ng Milwaukee Wisconsin Ward, naturuan ako ng masisigasig na lider. Malaki ang naitulong ng aming mga aktibidad sa pag-unlad ng mga kasanayan sa pakikipag-usap, at natulungan kaming maalis ang pagkamahiyain namin noong aming kabataan. Gayunpaman, isang natatanging karanasan sa Mutual ang humubog sa landas ng aking kabataan. Nangyari ito noong 1956, 54 na taon na ang nakalipas! Ngunit malinaw ko pa rin itong naaalala ngayon.
Kaming mga kabataang lalaki ay tulung-tulong sa Mutual tuwing Miyerkules sa pagtatayo ng isang detalyado, apat-na-talampakang taas (1.2-m) na replika ng magandang Salt Lake Temple. Lumikha rin kami ng isang malaking poster na nagdedetalye ng layunin at kuwento ng Aklat ni Mormon.
Nakakuha ang Boy Scout troop ng aming ward ng isang booth na nasa unahan para sa taunang pagtatanghal ng mga kaalaman sa Scouting sa aming lungsod. Daan-daang mga bisita ang napagawi sa aming booth at nakita ang aming displey. Marami ang huminto. Itinanong nila sa mga batang Aaronic Priesthood na nakauniporme ng Scout kung ano ang layunin ng nakadispley na templo. Marami ang nagtanong tungkol sa Aklat ni Mormon. Nagpaliwanag kaming mga kabataang maytaglay ng Aaronic Priesthood sa abot ng aming makakaya at binigyan sila ng kopya ng Aklat ni Mormon.
Pakiramdam ko at ng kasama ko sa Scouting (pareho kaming nasa teachers quorum) na para kaming 20-anyos na mga misyonero! Kapwa kami tahimik na nangako na magiging karapat-dapat at maglilingkod bilang mga full-time missionary. Kalaunan, pareho naming ginawa iyan—salamat, sa Mutual at sa masigasig na mga lider ng kabataan.