2010
Ang Iyong Temple Recommend
Agosto 2010


Mga Kabataan

Ang Iyong Temple Recommend

Kapag 12-taong gulang ka na, makapupunta ka na sa templo para mabinyagan para sa mga patay. (Kailangang may priesthood ang mga kabataang lalaki.) Para makakuha ng recommend, magpaiskedyul ng interbyu sa inyong bishop o branch president.

Ang mga recommend para sa mga kabataan ay tinatawag na limited-use recommend, at may dalawang uri ito: grupo at indibiduwal. Ang pangalan mo ay maaaring idagdag sa recommend ng grupo kung pupunta ka sa templo kasama ng inyong ward o branch. Ang recommend na ito ay magagamit lamang nang isang beses. Kung nakatira ka malapit sa templo at regular na makasasali sa mga binyag para sa mga patay, maaari kang humingi ng indibiduwal na recommend sa inyong bishop o branch president, na magagamit sa buong taon, kung mananatili kang karapat-dapat.

Print