Library
Mga Propeta


first presidency and apostles

Pag-aaral ng Doktrina

Mga Propeta

Ang mga propeta ay mga inspiradong kalalakihan na tinawag upang magsalita para sa Panginoon. Ang Pangulo ng Simbahan ang kasalukuyang propeta—ang tanging tao sa mundo na nakatatanggap ng paghahayag upang patnubayan ang buong Simbahan.

Buod

Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, pinagpala tayong mapamunuan ng mga buhay na propeta—mga inspiradong kalalakihan na tinawag upang magsalita para sa Panginoon, tulad nina Moises, Isaias, Pedro, Pablo, Nephi, Mormon, at iba pang mga propeta sa mga banal na kasulatan. Sinasang-ayunan natin ang Pangulo ng Simbahan bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag—ang tanging tao sa mundo na nakatatanggap ng paghahayag upang patnubayan ang buong Simbahan. Sinasang-ayunan din natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Tulad ng mga propeta noon, ang mga propeta ngayon ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo at nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo. Ipinaaalam nila ang kalooban at tunay na katangian ng Diyos. Hayagan at malinaw silang nagsasalita, kinukundena ang kasalanan at nagbababala tungkol sa mga kahihinatnan nito. Kung minsan, maaari silang mabigyang-inspirasyon na magpropesiya tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap para sa ating kapakinabangan.

Palagi nating mapagkakatiwalaan ang mga buhay na propeta. Ang kanilang mga turo ay kumakatawan sa kalooban ng Panginoon, na nagpahayag: “Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko, at hindi ko binibigyang-katwiran ang aking sarili; at bagaman ang kalangitan at ang lupa ay lilipas, ang aking salita ay hindi lilipas, kundi matutupad na lahat, maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (Doktrina at mga Tipan 1:38).

Ang ating lubos na kaligtasan ay nakasalalay sa mahigpit na pagsunod sa salita ng Panginoon na ibinigay sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, lalo na sa kasalukuyang Pangulo ng Simbahan. Nagbabala ang Panginoon na ang mga yaong magwawalang-bahala sa mga salita ng mga buhay na propeta ay babagsak (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:14–16). Nangako Siya ng mga dakilang pagpapala sa mga yaong sumusunod sa Pangulo ng Simbahan:

“Kayo ay tatalima sa lahat ng kanyang mga salita at kautusang ibibigay niya sa inyo tuwing siya ay tatanggap ng mga ito, naglalakad nang buong kabanalan sa harapan ko;

“Sapagkat ang kanyang salita ay inyong tatanggapin, na parang mula sa sarili kong bibig, nang buong pagtitiis at pananampalataya.

“Sapagkat sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito ang pintuan ng impiyerno ay hindi mananaig laban sa inyo; oo, at itataboy ng Panginoong Diyos ang mga kapangyarihan ng kadiliman mula sa harapan ninyo, at payayanigin ang kalangitan para sa inyong ikabubuti, at sa ikaluluwalhati ng kanyang pangalan” (Doktrina at mga Tipan 21:4–6).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Propeta

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

6:10

4:16

4:13

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

My Redeemer Lives [Ang Manunubos Ko’y Buhay]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Colette Lindahl, “Mga Salita ng Propeta sa Isang Di-Inaasahang Lugar,” Liahona, Oktubre 2016

Sandra Tanner at Cristina Franco, “Nangungusap ang Diyos sa Pamamagitan ng mga Propeta,” Liahona, Marso 2010

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika