Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 29–Agosto 4. Mga Gawa 22–28: ‘Ministro at Saksi’


“Hulyo 29–Agosto 4. Mga Gawa 22–28: ‘Ministro at Saksi’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hulyo 29–Agosto 4. Mga Gawa 22–28,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary: 2019

si Pablo sa bilangguan

Hulyo 29–Agosto 4

Mga Gawa 22–28

“Ministro at Saksi”

Habang binabasa mo ang mga salaysay mula sa ministeryo ni Apostol Pablo sa Mga Gawa 22–28, maghanap ng mga alituntunin na magiging makabuluhan sa mga batang tinuturuan mo.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Magpakita ng mga larawan ng piitan, bangka, at ahas. Anyayahan ang mga bata na ikuwento ang anumang alam nila tungkol kay Pablo na may kaugnayan sa mga larawang ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakababatang mga Bata

Mga Gawa 23:10–11

Ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagmamalasakit sa akin at tutulungan ako sa oras ng mga paghihirap.

Makakatulong ang pag-aaral kung paano tinulungan ng Tagapagligtas si Pablo para malaman ng mga bata na nagmamalasakit sa kanila ang Ama sa Langit at si Jesus.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Ibahagi ang kuwento sa Mga Gawa 23:10–11 nang dumalaw ang Tagapagligtas kay Pablo sa bilangguan. [NO TRANSLATION] Magbahagi ng isang pagkakataon na nagkaroon ka ng pagsubok at tumanggap ng patnubay at kapanatagan mula sa Diyos. Magpabahagi sa mga bata ng mga pagkakataon na nadama nila na pinanatag sila ng Diyos.

  • Tulungan ang mga bata na isaulo ang sinabi ni Jesus kay Pablo: “Laksan mo ang iyong loob.” Magpaisip sa mga bata ng isang taong mahihikayat nila na lakasan ang kanyang loob—marahil ay isang taong nalulungkot o nag-aalala.

Mga Gawa 26:1–29

Maibabahagi ko ang aking patotoo sa iba.

Ang pagrerepaso ng patotoo ni Pablo kay Haring Agripa ay makakatulong sa mga bata na matutong magbahagi ng alam nilang totoo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Magdala ng isang korona sa klase at ipasuot ito sa isang bata na magkukunwaring si Haring Agripa. Anyayahan ang isa pang bata na tumayo sa harapan ng hari para katawanin si Pablo habang ibinubuod mo ang patotoo ni Pablo at ang reaksyon ni Haring Agripa, na matatagpuan sa Mga Gawa 26:1–29 (tingnan sa “Kabanata 63: Tinapos ni Pablo ang Kanyang Misyon,” Mga Kuwento sa Bagong Tipan, 162–66, o ang katumbas na video sa LDS.org). Ipaliwanag na maibabahagi natin ang ating patotoo sa iba, tulad ng ginawa ni Pablo.

  • Sabihin sa mga bata na makinig habang kinakanta o binabasa mo ang isang awitin tungkol sa patotoo, tulad ng talata 2 ng “Patotoo” (Mga Himno, blg. 79) o “Aking Ama‘y Buhay” (Aklat ng mga Awit Pambata, 8). Anyayahan ang mga bata na magtaas ng kamay kapag may narinig sila na mapapatotohanan nila. Maaari mong kantahin ang awitin nang ilang beses; anyayahan ang mga bata na sabayan ka sa pagkanta kapag pamilyar na sila sa mga titik nito. Magpabahagi sa kanila ng ilang bagay tungkol sa ebanghelyo na alam nilang totoo.

  • Gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito para matulungan ang mga bata na makapag-isip ng isang bagay na maaari nilang sabihin kapag sila ay nagpapatotoo. Anyayahan silang magbahagi ng patotoo sa isang kapamilya.

Mga Gawa 27

Binabalaan ako ng mga propeta kapag may panganib.

Isipin kung paano maituturo sa mga bata ng salaysay tungkol sa pagkawasak ng barkong sinakyan ni Pablo na nakikita ng mga propeta ang mga panganib na hindi natin nakikita.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na magkunwari na nakasakay sila ng isang barkong nawasak sa gitna ng bagyo. Basahin ang babala ni Pablo sa mga tao, na matatagpuan sa Mga Gawa 27:9–10, at ikuwento na nawasak ang barko dahil hindi sila nakinig sa kanyang babala (tingnan sa mga talata 11, 39–44). Magpakita ng larawan ng Pangulo ng Simbahan. Anong mga babala ang ibinibigay niya sa atin?

  • Maglagay ng ilang larawan o bagay sa paligid ng silid na kumakatawan sa mga bagay na naituro ng mga propeta na gawin natin, tulad ng pagsisimba o pagpapabinyag. Bilang isang klase, lumakad sa paligid ng silid, tumigil sa bawat larawan o bagay para pag-usapan kung paano nakakatulong sa atin ang pagsunod sa mga turo ng propeta para manatili tayong ligtas.

Pangulong Thomas S. Monson

Ang pagsunod sa mga turo ng propeta ay tumutulong sa atin na manatiling ligtas.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Nakatatandang mga Bata

Mga Gawa 23:10–11; 27:18–26; 28:1–6

Kapag nahaharap ako sa mga paghihirap, hindi ako pinababayaan ng Diyos.

Sa lahat ng pagsubok na naranasan ni Pablo, kasama niya ang Panginoon. Paano mo matutulungan ang mga bata na maihalintulad ang mga karanasan ni Pablo sa kanilang buhay?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Gamit ang Mga Gawa 23:10, ipaliwanag na si Pablo ay ibinilanggo dahil tinuruan niya ang mga tao tungkol kay Jesus. Pagkatapos ay basahin ninyo ng mga bata ang Mga Gawa 23:11. [NO TRANSLATION] Paano magagawa ni Pablo na “laksan [ang kaniyang] loob” kahit nasa bilangguan siya?

  • Isulat sa pisara ang Mga Gawa 23:10–11; Mga Gawa 27: 18–26; at Mga Gawa 28:1–6. Magpakita ng larawan ng piitan, barko, at ahas, at anyayahan ang mga bata na repasuhin ang mga talatang ito at itugma ang mga ito sa mga larawan. Sa bawat isa sa mga talang ito, paano ipinakita ng Panginoon kay Pablo na Siya ay kasama niya?

  • Anyayahan ang isang tao mula sa ward na magbahagi ng isang karanasan na nakasama niya ang Panginoon sa oras ng paghihirap. Marahil ay maaaring ikaw o ang mga bata naman ang magbahagi ng mga karanasan.

Mga Gawa 26:1–29

Buong tapang kong mapapatotohanan si Jesucristo.

Ang katapangan ni Pablo sa pagbabahagi ng kanyang patotoo ay makakatulong na maging matapang ang mga bata kapag nagbabahagi ng kanilang patotoo.

Mga Posibleng Aktibidad

  • Anyayahan ang mga bata na basahin ang Mga Gawa 26:1–29 at hanapin ang ilang katotohanan ng ebanghelyo na itinuro ni Pablo kay Haring Agripa. Bakit kaya maaaring nakakatakot para kay Pablo na ibahagi ang mga bagay na ito sa harap ng hari? Anyayahan ang mga bata na ilista ang ilang alituntunin ng ebanghelyo na alam nilang totoo. Magpaisip sa kanila ng isang taong kilala nila na kailangang makarinig ng kanilang patotoo tungkol sa mga katotohanang ito.

  • Anyayahan ang mga bata na gamitin ang pahina ng aktibidad para sa linggong ito sa pagsulat ng isang bagay na maaari nilang sabihin sa kanilang patotoo.

Mga Gawa 27

Binabalaan ako ng mga propeta kapag may panganib.

Maaaring pakinggan ng mga bata ang mga mensahe ng mga makabagong propeta at kilalanin ang kanilang mga babala. Paano mo matutulungan ang mga bata na matutong makinig sa mga babalang ito?

Mga Posibleng Aktibidad

  • Gupit-gupitin ang isang pirasong papel na hugis-barko para maging puzzle. Anyayahan ang mga bata na isulat ang mga babala ni Pablo sa Mga Gawa 27:9–11 sa mga piraso ng papel at pagkatapos ay buuin ang puzzle. Bakit hindi nakinig ang mga tao kay Pablo? (tingnan sa talata 11). Anyayahan ang mga bata na basahin ang mga talata 18–20 at 40–44 para malaman kung ano ang nangyari dahil dito. (Ipaliwanag na dahil sumunod ang mga tao sa payo ni Pablo kalaunan na manatili sa barko, walang namatay nang mawasak ang barko; tingnan sa mga talata 30–32.) Ano ang matututuhan natin mula sa karanasang ito tungkol sa pagsunod sa propeta?

  • Magdala ng mensahe ng Pangulo ng Simbahan sa pinakahuling kumperensya at ibahagi sa mga bata ang anumang mga babala o payo na ibinigay niya. Anyayahan ang mga bata na mag-isip ng mga paraan na masusunod nila ang propeta.

  • [NO TRANSLATION] Paano naging katulad ng lalaking may largabista ang mga propeta?

  • Isulat ang ilang aktibidad na magagawa ng mga bata na magpapaalam sa kanila tungkol sa mga tungkulin ng isang propeta—halimbawa, “Basahin ang Doktrina at mga Tipan 21:4–7” o “Kantahin ang ‘Sundin ang Propeta’” (Aklat ng mga Awit Pambata, 58–59, o gumamit ng isa pang awitin tungkol sa mga propeta). Isabit ang listahan ng mga aktibidad sa labas ng silid-aralan, at anyayahan ang isang bata na tumayo sa may pintuan at isa-isang basahin ang mga aktibidad sa iba pang mga bata, na hinahayaang matapos nila ang aktibidad bago basahin ang isa pa. Ipaliwanag na tulad ng isang bata na nakapagbigay ng direksyon sa iba, itinuturo sa atin ng propeta kung ano ang gustong ipagawa sa atin ng Diyos. Ipabahagi sa mga bata ang natutuhan nila tungkol sa mga propeta mula sa mga aktibidad.

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Ipagamit sa mga bata ang natutuhan nila tungkol kay Pablo para hikayatin ang kanilang pamilya na pag-aralan ang pinakahuling mensahe ng propeta at talakayin kung paano nila masusunod ang payo niya.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Ipagamit ang mga pandamdam. “Karamihan sa mga bata (at matatanda) ay higit na natututo kapag ginagamit ang maraming pandamdam. Maghanap ng mga paraan upang matulungan ang mga bata na gamitin ang kanilang mga pandamdam na paningin, pandinig, at panghipo habang nag-aaral sila. Sa ilang sitwasyon, maaari ka pa ngang makahanap ng mga paraan para maisali ang kanilang mga pandamdam na pang-amoy at panlasa!” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 25).