Pag-aaral ng Doktrina
Kapayapaan
Buod
Inaakala ng maraming tao na ang kapayapaan ay hindi pagkakaroon ng digmaan. Ngunit maaari tayong makadama ng kapayapaan kahit sa panahon ng digmaan, at maaaring wala tayong madamang kapayapaan kahit walang nagaganap na digmaan. Ang kapayapaan ay dumarating sa pamamagitan ng ebanghelyo—sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, pagtulong ng Espiritu Santo, at ng sarili nating kabutihan, taos-pusong pagsisisi, at masigasig na paglilingkod.
Kahit nagkakagulo ang mundo sa paligid natin, maaari nating matanggap ang biyayang kapayapaan ng kalooban. Ang biyayang ito ay mananatili sa atin kapag tapat tayo sa ating patotoo sa ebanghelyo at kapag inaalala natin na minamahal at pinangangalagaan tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
Bukod sa nadaramang kapayapaan sa ating sarili, maaari tayong maging impluwensya para magkaroon ng kapayapaan sa ating pamilya, komunidad, at mundo. Sinisikap nating magkaroon ng kapayapaan kapag sinusunod natin ang mga kautusan, naglilingkod, nagmamalasakit sa ating mga kapamilya at kapwa, at nagbabahagi ng ebanghelyo. Sinisikap nating magkaroon ng kapayapaan sa tuwing tumutulong tayo na maibsan ang pagdurusa ng iba.
Ang mga sumusunod na salita ng Tagapagligtas ay nagtuturo sa atin kung paano natin mararanasan ang kapayapaang hatid ng ebanghelyo:
“Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo.
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man” (Juan 14:26–27).
“Huwag matakot na gumawa ng mabuti, aking mga anak, sapagkat kung anuman ang inyong itinanim, iyon din ang inyong aanihin; samakatwid, kung kayo ay nagtanim ng kabutihan kayo rin ay aani ng kabutihan bilang inyong gantimpala.
“Samakatwid, huwag matakot, munting kawan; gumawa ng mabuti; hayaang magsama ang mundo at impiyerno laban sa inyo, sapagkat kung kayo ay itinayo sa aking bato, hindi sila mananaig.
“Masdan, hindi ko kayo inuusig; humayo kayo sa inyong mga gawain at huwag na muling magkasala; isagawa nang mahinahon ang gawaing ipinag-uutos ko sa inyo.
“Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.
“Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit” (Doktrina at mga Tipan 6:33–37).
“Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan” (Juan 16:33).
Kapag inaalala natin ang Tagapagligtas at sinusunod Natin Siya, talagang lalakas ang ating loob. Makadarama tayo ng tunay at patuloy na kapayapaan sa lahat ng oras. Makadarama tayo ng pag-asa sa mga unang salita ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli: “Kapayapaan ang sumainyo” (Juan 20:19).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Kapayapaan”
Mga Mensahe Mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Abide with Me! [Manatili sa Piling Ko!]”
“Let Us Oft Speak Kind Words [Tayo Nang Mag-usap Nang Marahan]”
“Master, the Tempest Is Raging [Guro, Bagyo’y Nagngangalit]”
“There Is Sunshine in My Soul Today [May Liwanag sa ’King Kaluluwa]”
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
Mga Magasin ng Simbahan
Elizabeth Lloyd Lund, “Nakadama ng Kapayapaan sa Kakulangan,” Liahona, Pebrero 2017
Mga Manwal sa Pag-aaral
In the News
Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan
Mga Kuwento
Resources sa Pagtuturo
Mga Outline sa Pagtuturo
Mga Kuwento at Aktibidad para sa Pagtuturo sa mga Bata
Media