Library
Pagsisisi


araw na sumisikat sa lambak

Pag-aaral ng Doktrina

Pagsisisi

Ang pagsisisi ay isa sa mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo at kinakailangan sa ating temporal at walang hanggang kaligayahan. Higit pa ito sa pag-amin sa mga pagkakamali at pagbabago ng ugali. Ito ay pagbabago ng isipan at puso na nagbibigay sa atin ng panibagong pananaw tungkol sa Diyos, sa ating sarili, at sa mundo. Kasama rito ang pagtalikod sa kasalanan at pagbaling sa Diyos para sa kapatawaran. Naging posible ang pagsisisi dahil kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

Buod

Ang pagsisisi ay isa sa mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo at kinakailangan sa ating temporal at walang hanggang kaligayahan. Higit pa ito sa pag-amin sa mga pagkakamali. Ito ay pagbabago ng isipan at puso na nagbibigay sa atin ng panibagong pananaw tungkol sa Diyos, sa ating sarili, at sa mundo. Kasama rito ang pagtalikod sa kasalanan at pagbaling sa Diyos para sa kapatawaran. Ito ay udyok ng pagmamahal para sa Diyos at ng tapat na hangaring sundin ang Kanyang mga kautusan.

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Ang Pangangailangang Magsisi

Ipinahayag ng Panginoon na “walang maruming bagay ang magmamana ng kaharian ng langit” (Alma 11:37). Ang ating mga kasalanan ay nagpaparungis sa atin—ginagawa tayong hindi karapat-dapat na bumalik at manahan sa piling ng ating Ama sa Langit. Nagdudulot din ito ng dalamhati sa ating kaluluwa sa buhay na ito.

Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang ating Ama sa Langit ay naglaan ng tanging paraan upang mapatawad tayo mula sa ating mga kasalanan (tingnan sa Kapatawaran, Pagpapatawad). Pinagdusahan ni Jesucristo ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan upang mapatawad tayo kung taos-puso tayong magsisisi. Kapag tayo ay nagsisi at nagtiwala sa Kanyang nakapagliligtas na biyaya, malilinis tayo mula sa kasalanan.

Mga Bahagi ng Pagsisisi

Ang pagsisisi ay masakit kung minsan, ngunit humahantong ito sa kapatawaran at walang hanggang kapayapaan. Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, sinabi ng Panginoon, “Bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito’y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito’y mapulang-mapula, ang mga ito’y magiging parang balahibo ng tupa” (Isaias 1:18). Sa dispensasyong ito, ipinangako ng Panginoon, “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” (Doktrina at mga Tipan 58:42). Kabilang sa pagsisisi ang mga sumusunod na bahagi:

Pananampalataya sa Ating Ama sa Langit at kay Jesucristo. Malakas ang puwersa ng kasalanan. Upang makalaya mula rito, dapat tayong bumaling sa ating Ama sa Langit, manalangin nang may pananampalataya, at kumilos ayon sa iniuutos Niya. Maaaring subukan tayong kumbinsihin ni Satanas na hindi tayo karapat-dapat manalangin—na sa galit ng Ama sa Langit sa atin ay hindi Niya kailanman pakikinggan ang ating mga panalangin. Isa itong kasinungalingan. Palaging handa ang ating Ama sa Langit na tumulong kung lalapit tayo sa Kanya nang may pusong nagsisisi. May kapangyarihan Siyang pagalingin tayo at tulungan tayong magtagumpay laban sa kasalanan.

Ang pagsisisi ay pagpapakita ng pananampalataya kay Jesucristo—isang pagkilala sa kapangyarihan ng Kanyang Pagbabayad-sala. Mapapatawad lamang tayo ayon sa Kanyang mga kondisyon. Kapag mapagpasalamat nating kinilala ang Kanyang Pagbabayad-sala at kapangyarihang linisin tayo mula sa kasalanan, magagawa nating “magkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi” (Alma 34:17)

Kalungkutan dahil sa Kasalanan. Upang mapatawad, dapat muna nating aminin sa ating sarili na tayo ay nagkasala. Kung sinisikap nating ipamuhay ang ebanghelyo, ang gayong pag-amin ay hahantong sa “kalungkutang naaayon sa Diyos,” na “nagbubunga ng pagsisisi tungo sa kaligtasan” (2 Corinto 7:10). Hindi dumarating ang kalungkutang naaayon sa Diyos dahil sa mga likas na bunga ng kasalanan o dahil sa takot na maparusahan; bagkus, ito’y dumarating mula sa kaalaman na, dahil sa mga ginawa natin, hindi nasiyahan sa atin ang ating Ama sa Langit at ang ating Tagapagligtas. Kapag nakaranas tayo ng kalungkutang naaayon sa Diyos, taos-puso ang hangarin nating magbago at handa tayong gawin ang lahat upang mapatawad.

Pagtatapat. “Siyang nagtatakip ng kanyang mga pagsuway ay hindi sasagana, ngunit ang nagpapahayag at tumatalikod sa mga iyon ay magtatamo ng awa” (Mga Kawikaan 28:13). Mahalaga sa kapatawaran ang kahandaang ipagtapat nang lubusan sa ating Ama sa Langit ang lahat ng nagawa nating kasalanan. Dapat tayong lumuhod sa Kanyang harapan at mapagpakumbabang manalangin, na inaamin ang ating mga kasalanan. Ipagtapat natin ang ating kahihiyan at kasalanan, at pagkatapos ay magsumamo tayo para sa tulong.

Ang mabibigat na kasalanan, tulad ng pagsuway sa batas ng kalinisang-puri, ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa pagiging miyembro ng isang tao sa Simbahan. Samakatuwid, kailangang ipagtapat ang gayong mga kasalanan sa Panginoon at sa Kanyang mga kinatawan sa Simbahan na mayhawak ng priesthood. Isinasagawa ito sa ilalim ng pangangasiwa ng bishop o branch president at marahil ng stake o mission president, na naglilingkod bilang mga bantay at hukom sa Simbahan. Bagama’t ang Panginoon lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lider ng priesthood na ito sa proseso ng pagsisisi. Pananatilihin nilang kumpidensyal ang mga ipinagtapat na kasalanan at tutulong sila sa buong proseso ng pagsisisi.

Pagtalikod sa Kasalanan. Bagama’t mahalagang bahagi ng pagsisisi ang pagtatapat, hindi ito sapat. Sabi ng Panginoon, “Sa pamamagitan nito inyong malalaman kung ang isang tao ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan—masdan, kanyang aaminin ang mga yaon at tatalikdan ang mga yaon” (Doktrina at mga Tipan 58:43).

Dapat panatilihin nating matatag at matibay ang ating pasiyang huwag nang ulitin ang kasalanan kailanman. Kapag tinupad natin ang pangakong ito, hindi na natin mararanasan muli ang pasakit ng kasalanang iyon kailanman. Dapat lumayo tayo kaagad sa anumang sitwasyon na maaaring maging dahilan upang matukso tayo. Kung may isang sitwasyong nag-uudyok o maaaring mag-udyok sa atin na magkasala, dapat lumayo tayo rito. Hindi tayo maaaring manatili sa lugar na kinaroroonan ng tukso at umasang mapaglalabanan natin ang kasalanan.

Pagsasaayos. Dapat ayusin natin hangga’t maaari ang lahat ng nasira dahil sa ating mga nagawang kasalanan, pag-aari man ito ng isang tao o magandang reputasyon ng isang tao. Ang kusang pagsasaayos ay nagpapakita sa Panginoon na gagawin natin ang lahat upang makapagsisi.

Matwid na Pamumuhay. Hindi sapat na sikapin lamang na mapaglabanan ang kasamaan o alisin ang lahat ng kasalanan sa ating buhay. Dapat punuin natin ng kabutihan ang ating buhay at makibahagi tayo sa mga gawaing naghahatid ng espirituwal na kapangyarihan. Dapat ituon natin ang ating sarili sa mga banal na kasulatan at manalangin tayo araw-araw upang bigyan tayo ng Panginoon ng lakas na higit pa sa taglay natin. Paminsan-minsan, kailangan nating mag-ayuno para sa mga espesyal na pagpapala.

Ang lubusang pagsunod ay naghahatid ng ganap na kapangyarihan ng ebanghelyo sa ating buhay, pati na rin ng ibayong lakas na madaig ang ating mga kahinaan. Kabilang sa pagsunod na ito ang mga gawaing maaaring sa simula ay hindi natin itinuturing na bahagi ng pagsisisi, tulad ng pagdalo sa mga miting, pagbabayad ng ikapu, paglilingkod, at pagpapatawad sa iba. Ipinangako ng Panginoon, “Siya na nagsisisi at sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon ay patatawarin” (Doktrina at mga Tipan 1:32).

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

Do What Is Right [Gawin ang Tama]

Keep the Commandments [Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin]

Lead, Kindly Light [Liwanag sa Gitna Nitong Dilim]

More Holiness Give Me [Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan]

O Divine Redeemer [O Banal na Manunubos]

Mga resources sa Pag-aaral

Pangkalahatang resources

Pagsisisi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan

Mga Magasin ng Simbahan

David A. Edwards, “7 Bagay na Kinatatakutan Natin Tungkol sa Pagsisisi: At Bakit Hindi Natin Dapat Katakutan ang mga Ito,” Liahona, Marso 2017

Charlotte Larcabal, “Ang Mismong Inireseta ng Doktor,” Liahona, Marso 2017

David A. Bednar, “Panatilihin sa Tuwina ang Kapatawaran ng Inyong mga Kasalanan,” Liahona, Mayo 2016

Walong Maling Pag-unawa Tungkol sa Pagsisisi,” Liahona, Marso 2016

Ginagawang Posible ng Pagbabayad-sala ang Pagsisisi,” Liahona, Pebrero 2011

Pagsisisi at Pagbabayad-sala,” Liahona, Marso 2004

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika

Mga Larawan