Pag-aaral ng Doktrina
Binyag
Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ng isang taong may awtoridad ang unang nakapagliligtas na ordenansa ng ebanghelyo at kailangan ito ng isang tao para maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at para tumanggap ng walang hanggang kaligtasan. Dapat tularan ng lahat ng naghahangad ng buhay na walang hanggan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo.
Buod
Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig ng isang taong may awtoridad ang unang nakapagliligtas na ordenansa ng ebanghelyo at kailangan ito ng isang tao para maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at para tumanggap ng walang hanggang kaligtasan. Dapat tularan ng lahat ng naghahangad ng buhay na walang hanggan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapabinyag at pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Pagbibinyag sa Paraan ng Panginoon
Inihayag ng Tagapagligtas kay Propetang Joseph Smith ang tamang paraan ng pagbibinyag, na nililinaw na ang ordenansa ay kailangang isagawa ng isang taong may awtoridad ng priesthood at isagawa ito sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig:
“Ang taong tinawag ng Diyos at may karapatan mula kay Jesucristo na magbinyag, ay bababa sa tubig kasama ang taong bibinyagan at sasabihin, tinatawag siya sa kanyang pangalan: Bilang naatasan ni Jesucristo, binibinyagan kita sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
“Pagkatapos ay kanyang ilulubog siya sa tubig, at iaahon muli mula sa tubig” (Doktrina at mga Tipan 20:73–74).
Ang paglulubog ay simbolo ng kamatayan ng makasalanang buhay ng isang tao at muling pagsilang sa espirituwal na buhay, na inilaan sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang mga anak. Simbolo rin ito ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli. (Tingnan sa Roma 6:3–6.)
Ang Tipan sa Binyag
Ang mga nabinyagan ay nakikipagtipan sa Diyos na tataglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Jesucristo, susundin ang Kanyang mga utos at paglilingkuran Siya hanggang wakas (tingnan sa Mosias 18:8–10; Doktrina at mga Tipan 20:37). Pinapanibago ng mga miyembro ng Simbahan ang tipang ito tuwing nakikibahagi sila ng sakramento (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 20:77, 79).
Ang mga tumutupad sa mga tipang ginawa nila sa binyag ay pinagpapala ng Panginoon dahil sa kanilang katapatan. Kabilang sa mga pagpapalang ito ang mapatnubayan palagi ng Espiritu Santo, ang kapatawaran ng mga kasalanan, at ang pribilehiyo ng pagiging espirituwal na isinilang. Kung magpapatuloy sila sa pagiging matapat, sila ay pinangakuan ng buhay na walang hanggan (tingnan sa 2 Nephi 31:19–20).
Maliliit na Bata at Pagbibinyag
Mula sa makabagong paghahayag, alam natin na ang maliliit na bata ay tinubos sa pamamagitan ng awa ni Jesucristo. Sinabi ng Panginoon, “Hindi sila magkakasala, sapagkat ang kapangyarihan ay hindi ibinigay kay Satanas upang tuksuhin ang maliliit na bata, hanggang sa sila ay magsimulang magkaroon ng pananagutan sa akin” (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 29:46–47). Sila ay hindi dapat binyagan hangga’t hindi pa sila umabot sa edad ng pananagutan, na inihayag ng Panginoon na walong taong gulang (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 68:27; Pagsasalin ni Joseph Smith, Genesis 17:11). Sinumang nagsasabing kailangang binyagan ang maliliit na bata ay “itinatatwa ang mga awa ni Cristo, at pinawawalang-kabuluhan ang kanyang pagbabayad-sala at ang kapangyarihan ng kanyang pagtubos” (Moroni 8:20; tingnan din sa mga talata 8–19, 21–24).
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagbibinyag, Binyagan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
Kim Webb Reid, “Bininyagan si Jesus,” Liahona, Marso 2017
Jessica Larsen, “Sulit ang Paghihintay,” Liahona, Marso 2017