Library
Sacrament


pamilya na tumatanggap ng sacrament

Pag-aaral ng Doktrina

Sacrament

Noong gabi bago ang Pagpapako sa Kanya sa Krus, nakipagkita si Jesucristo sa Kanyang mga Apostol at pinasimulan Niya ang sacrament. Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, pinasimulan Niya ang sacrament sa mga Nephita. Ngayon, ang sacrament ay isang ordenansa kung saan tinatanggap ng mga miyembro ng Simbahan ang tinapay at tubig, na sumasagisag sa katawan at dugo ni Jesucristo, bilang pag-alaala sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Sa pamamagitan ng ordenansang ito, pinaninibago rin ng mga miyembro ng Simbahan ang mga tipang ginawa nila sa Diyos noong nabinyagan sila.

Buod

Noong gabi bago ang Pagpapako sa Kanya sa Krus, nakipagkita si Jesucristo sa Kanyang mga Apostol at pinasimulan Niya ang sacrament (tingnan sa Lucas 22:19–20). Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, pinasimulan Niya ang sacrament sa mga Nephita (tingnan sa 3 Nephi 18:1–11). Ngayon, ang sacrament ay isang ordenansa kung saan tinatanggap ng mga miyembro ng Simbahan ang tinapay at tubig bilang pag-alaala sa nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo. Ang ordenansang ito ay mahalagang bahagi ng pagsamba at espirituwal na pag-unlad. Sa pamamagitan ng ordenansang ito, pinaninibago ng mga miyembro ng Simbahan ang mga tipang ginawa nila sa Diyos noong nabinyagan sila.

Nang pasimulan Niya ang sacrament, sinabi ni Jesucristo, “Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin. … Ang kopang ito na nabubuhos nang dahil sa inyo ay ang bagong tipan sa aking dugo” (Lucas 22:19–20). Ang sacrament ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng Simbahan na pagnilayan at alalahanin nang may pasasalamat ang buhay, ministeryo, at Pagbabayad-sala ng Anak ng Diyos. Ang pinagputul-putol na tinapay ay nagpapaalala sa Kanyang katawan at Kanyang pisikal na pagdurusa—lalo na sa Kanyang pagdurusa sa krus. Ito ay nagpapaalala rin na sa pamamagitan ng Kanyang awa at biyaya, ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli at mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

Ang tubig ay nagpapaalala na ibinuhos ng Tagapagligtas ang Kanyang dugo sa matinding espirituwal na pagdurusa at dalamhati, na nagsimula sa Halamanan ng Getsemani at natapos sa krus. Sa halamanan ay sinabi Niya, “Lubhang nalulungkot ang aking kaluluwa na halos ay ikamatay” (Mateo 26:38). Sa pagsunod sa kalooban ng Ama, nagdusa Siya nang higit pa sa kaya nating maunawaan: “Ang dugo ay [lumabas] sa bawat butas ng kanyang balat, napakasidhi ng kanyang [naging] pagdurusa dahil sa kasamaan at mga karumal-dumal na gawain ng kanyang mga tao” (Mosias 3:7). Nagdusa Siya para sa mga kasalanan, kalungkutan, at pasakit ng lahat ng tao, na naglalaan ng kapatawaran ng mga kasalanan para sa mga yaong nagsisisi at ipinamumuhay ang ebanghelyo (tingnan sa 2 Nephi 9:21–23). Sa pamamagitan ng pagbubuhos ng Kanyang dugo, iniligtas ni Jesucristo ang lahat ng tao mula sa tinatawag sa mga banal na kasulatan na “kauna-unahang pagkakasala” ng paglabag ni Adan (Moises 6:54).

Ang pagtanggap ng sacrament ay patotoo sa Diyos na ang pag-alaala sa Kanyang Anak ay higit pa sa maikling oras na nakalaan para sa sagradong ordenansang iyon. Bahagi ng ordenansang ito ang pangakong palagi Siyang aalalahanin at ang patotoo sa kahandaan ng indibiduwal na taglayin sa kanyang sarili ang pangalan ni Jesucristo at sundin ang Kanyang mga kautusan. Sa pagtanggap ng sacrament at paggawa ng mga pangakong ito, pinaninibago ng mga miyembro ng Simbahan ang tipang ginawa nila sa binyag (tingnan sa Mosias 18:8–10; Doktrina at mga Tipan 20:37).

Bilang kapalit, pinaninibago ng Panginoon ang ipinangakong kapatawaran ng kasalanan at tinutulungan Niya ang mga miyembro ng Simbahan na “sa tuwina ay mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila” (Doktrina at mga Tipan 20:77). Ang palagiang patnubay ng Espiritu ay isa sa mga pinakadakilang kaloob sa buhay na ito.

Sa paghahanda para sa sacrament linggu-linggo, ang mga miyembro ng Simbahan ay naglalaan ng oras upang suriin ang kanilang mga buhay at pagsisihan ang kanilang mga kasalanan. Hindi nila kailangang maging perpekto upang tumanggap ng sacrament, ngunit dapat mayroon silang diwa ng pagpapakumbaba at pagsisisi sa kanilang mga puso. Linggu-linggo silang nagsisikap na makapaghanda para sa sagradong ordenansang iyon nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu (tingnan sa 3 Nephi 9:20).

AnItala ang Iyong mga Impresyon

Mga Kaugnay na Paksa

Mga Banal na Kasulatan

Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan

Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

  • Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Sakramento

Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan

Mga Karagdagang Mensahe

Mga Video

5:27
Logo ng Tabernacle Choir

Mga Video ng Tabernacle Choir

God Loved Us, So He Sent His Son [Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos]

Resources sa Pag-aaral

Mga Magasin ng Simbahan

Aaron L. West, “Mga Batang Musmos at ang Sakramento,” Liahona, Oktubre 2016

Mga Tanong & mga Sagot: Ano ang dapat kong isipin sa oras ng sakramento?Liahona, Hunyo 2014

Pagpapanibago ng mga Tipan sa Pamamagitan ng Sacrament,” Liahona, Hunyo 2010

Laurel Rohlfing, “Alalahanin si Jesucristo sa Oras ng Sacrament,” Liahona, Hunyo 2007

Mga Manwal sa Pag-aaral

Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan

Mga Kuwento

Resources sa Pagtuturo

Mga Outline sa Pagtuturo

Media

Musika