Mga Banal na Kasulatan
Moroni 5


Kabanata 5

Itinakda ang pamamaraan ng pangangasiwa ng pansakramentong alak. Mga A.D. 401–421.

1 Ang pamamaraan ng pangangasiwa ng alak—Dinggin, kanilang kinuha ang saro, at sinabing:

2 O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, kami po ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo, na basbasan at gawing banal ang alak na ito para sa mga kaluluwa ng lahat nilang iinom nito, nang ito po ay kanilang magawa bilang pag-alala sa dugo ng inyong Anak, na nabuhos alang-alang sa kanila; nang kanilang mapatunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan, na sila po sa tuwina ay aalalahanin siya, nang mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila. Amen.