Kabanata 3
Inoorden ng matatanda ang mga saserdote at guro sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay. Mga A.D. 401–421.
1 Ang pamamaraan ng mga disipulo, na tinatawag na matatanda ng simbahan, sa pag-orden ng mga saserdote at guro—
2 Matapos na sila ay manalangin sa Ama sa pangalan ni Cristo, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa kanila, at sinabing:
3 Sa pangalan ni Jesucristo, inoorden kitang maging isang saserdote (o kung siya ay magiging isang guro, inoorden kitang maging isang guro) upang mangaral ng pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesucristo, sa pamamagitan ng pagpapakatatag ng pananampalataya sa kanyang pangalan hanggang sa wakas. Amen.
4 At alinsunod sa ganitong pamamaraan sila nag-orden ng mga saserdote at guro, alinsunod sa mga kaloob at paggawad ng Diyos sa mga tao; at kanilang inorden sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, na nasa kanila.