Pag-aaral ng Doktrina
Sion
Buod
Ang salitang Sion ay maraming beses na makikita sa lahat ng aklat ng banal na kasulatan ng Simbahan. Sa paghahayag sa mga huling araw, ang Sion ay tinukoy bilang “ang may dalisay na puso” (Doktrina at mga Tipan 97:21).
Noong mga unang araw ng dispensasyong ito, pinayuhan ng mga lider ng Simbahan ang mga miyembro na itayo ang Sion sa pamamagitan ng pandarayuhan sa isang sentrong lokasyon. Ngayon ay pinapayuhan tayo ng ating mga lider na itayo ang Sion saanman tayo nakatira. Hinihiling sa mga miyembro ng Simbahan na manatili sa kanilang sariling bayan at tumulong sa pagtatatag ng Simbahan doon. Maraming templo ang itinatayo upang matanggap ng mga Banal sa mga Huling Araw sa iba’t ibang panig ng mundo ang mga pagpapala ng templo.
Ang salitang Sion ay tumutukoy rin sa mga partikular na lokasyon, tulad ng mga sumusunod:
Ang lunsod ni Enoc (tingnan sa Moises 7:18–21).
Ang sinaunang lunsod ng Jerusalem (tingnan sa 2 Samuel 5:6–7; 1 Mga Hari 8:1; 2 Mga Hari 9:28).
Ang Bagong Jerusalem, na itatayo sa Jackson County, Missouri (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 45:66–67; 57:1–3; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Simbahang Mormon
-
Stake
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“High on the Mountain Top [Sa Tuktok ng Bundok]”