Pag-aaral ng Doktrina
Katapatan
Buod
Ang ibig sabihin ng maging matapat ay maging taos-puso, totoo, at walang panlilinlang sa lahat ng oras. Sa pagbibigay ng Sampung Utos, ipinahayag ng Panginoon: “Huwag kang magnanakaw. Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa iyong kapwa.” Nakasaad sa ikalabintatlong saligan ng pananampalataya ng Simbahan na, “Naniniwala kami sa pagiging matapat.” Ang ibig sabihin ng maging matapat ay maging taos-puso, totoo, at walang panlilinlang sa lahat ng oras.
Kapag tayo ay matapat sa lahat ng bagay, makadarama tayo ng kapayapaan ng isipan at mapapanatili natin ang ating dignidad at respeto sa sarili. Pinatatatag natin ang ating pagkatao, na nagtutulot sa atin na makapaglingkod sa Diyos at sa iba. Mapagkakatiwalaan tayo sa paningin ng Diyos at ng mga yaong nasa paligid natin.
Sa kabilang banda, kung hindi tayo matapat sa ating mga salita o kilos, sinasaktan natin ang ating mga sarili at kadalasan ay nasasaktan din natin ang iba. Kung tayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nandaraya, o kinaliligtaan nating gampanan ang lahat ng tungkulin sa trabaho na katumbas ng ating suweldo, nawawala ang ating dignidad at respeto sa sarili. Nawawala sa atin ang patnubay ng Espiritu Santo. Maaaring makita natin na nasira natin ang mga ugnayan sa mga kapamilya at kaibigan at hindi na tayo pinagkakatiwalaan ng mga tao.
Ang pagiging matapat ay kadalasang nangangailangan ng tapang at sakripisyo, lalo na kapag tinatangka ng iba na hikayatin tayo na pangatwiranan ang kasinungalingan. Kung naipit tayo sa gayong sitwasyon, maaari nating alalahanin na mas mahalaga ang walang-hanggang kapayapaan na nagmumula sa pagiging matapat kaysa sa panandaliang kapanatagan na dulot ng pagsunod sa nakararami.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Matapat, Katapatan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Choose the Right [Piliin ang Tama]”
Resources sa Pag-aaral
Pangkalahatang Resources
“Katapatan at Integridad,” Para sa Lakas ng mga Kabataan
Mga Magasin ng Simbahan
“Katapatan at Integridad,” Liahona, Hulyo 2013
Patricia A. Jacobs at Francini Presença, “Isang Pagsubok sa Katapatan,” Liahona, Hulyo 2009