Pag-aaral ng Doktrina
Espiritu
Buod
Bawat indibiduwal ay espiritung anak ng Ama sa Langit at nabuhay bilang espiritu bago ang buhay na ito sa lupa. Sa buhay na ito, ang espiritu ng indibiduwal ay nananahan sa pisikal na katawan, na isinilang sa mga mortal na magulang.
Itinuturo ng mga banal na kasulatan na sa panahon ng pisikal na kamatayan, ang espiritu ay hindi namamatay. Humihiwalay ito sa katawan at naninirahan sa daigdig ng mga espiritu sa kabilang buhay. Sa panahon ng pagkabuhay na mag-uli, ang espiritu at katawan ay muling magsasama, “hindi na maghihiwalay pa kailanman; sa gayon, sa kabuuan ay magiging espirituwal at walang kamatayan” (Alma 11:45).
Itinuturo din ng mga banal na kasulatan ang tungkol sa katangian ng mga espiritu. Sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, inihayag ng Panginoon na “lahat ng espiritu ay bagay, subalit ito ay mas pino o dalisay, at maaari lamang makilala sa pamamagitan ng mas dalisay na mga mata” (Doktrina at mga Tipan 131:7). Inihayag din ng Panginoon na “ang espiritu ng tao [ay] sa anyo ng kanyang katauhan, at gayun din ang espiritu ng hayop, at ng lahat ng iba pang kinapal na nilalang ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 77:2; tingnan din sa Eter 3:7–16).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Kaluluwa
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Espiritu”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe