Pag-aaral ng Doktrina
Pagkabuhay na Mag-uli
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ang muling pagsasama ng espiritu at katawan sa isang imortal na kalagayan, na hindi na daranas pa ng sakit o kamatayan. Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, daranas tayo ng pisikal na kamatayan, na siyang paghihiwalay ng espiritu at katawan. Sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala, ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli at maliligtas mula sa pisikal na kamatayan.
Buod
Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, daranas tayo ng pisikal na kamatayan, na siyang paghihiwalay ng espiritu at katawan. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli at maliligtas mula sa pisikal na kamatayan (tingnan sa 1 Corinto 15:22). Ang Pagkabuhay na Mag-uli ang muling pagsasama ng espiritu at katawan sa isang imortal na kalagayan, na hindi na daranas pa ng sakit o kamatayan.
Ang Tagapagligtas ang unang tao sa mundong ito na nabuhay na mag-uli. Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng maraming salaysay na nagpapatotoo na Siya ay bumangon mula sa libingan (tingnan sa Mateo 28:1–8; Marcos 16:1–14; Lucas 24:1–48; Juan 20:1–29; 1 Corinto 15:1–8; 2 Pedro 1:16–17).
Nang magpakita ang nabuhay na mag-uling Panginoon sa Kanyang mga Apostol, tinulungan Niya silang maunawaan na Siya ay may katawang may laman at mga buto. Sabi Niya, “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, sapagkat ako nga ito. Hipuin ninyo ako, at tingnan, sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39). Nagpakita rin Siya sa mga Nephita matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 3 Nephi 11:10–17).
Sa panahon ng pagkabuhay na mag-uli, tayo ay “hahatulan alinsunod sa [ating] mga gawa. … Tayo ay dadalhin upang tumayo sa harapan ng Diyos, nakaaalam gaya ng nalalaman natin ngayon, at may malinaw na alaala ng lahat ng ating mga pagkakasala” (Alma 11:41, 43). Ang walang hanggang kaluwalhatiang tatanggapin natin ay nakasalalay sa ating katapatan. Bagama’t ang lahat ng tao ay mabubuhay na mag-uli, ang mga yaon lamang na lumapit kay Cristo at nakibahagi sa kaganapan ng Kanyang ebanghelyo ang magmamana ng kadakilaan sa kahariang selestiyal.
Ang kaalaman at patotoo tungkol sa pagkabuhay na mag-uli ay makapagbibigay sa atin ng pag-asa at pananaw habang dumaranas tayo ng mga hamon, pagsubok, at tagumpay sa buhay. Makadarama tayo ng kapanatagan sa katiyakang ang Tagapagligtas ay buhay at sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, “nilagot niya ang mga gapos ng kamatayan, upang ang libingan ay hindi magtagumpay, at ang tibo ng kamatayan ay malamon sa pag-asa ng kaluwalhatian” (Alma 22:14).
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Becoming Like God [Pagiging Tulad ng Diyos]
-
Easter [Pasko ng Pagkabuhay]
-
Soul [Kaluluwa]
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan
-
Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkabuhay na Mag-uli”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Video
Mga Video ng Tabernacle Choir
“Come, Ye Thankful People, Come [Salamat sa Ating Diyos]”
“God Loved Us, So He Sent His Son [Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos]”
Resources sa Pag-aaral
Mga Magasin ng Simbahan
“Buhay at Kamatayan: Pananaw ng mga Pioneer Tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli,” Liahona, Abril 2013
“Ano ang Mangyayari Kapag Namatay Tayo” Liahona, Marso 2013