Pag-aaral ng Doktrina
Buhay na Walang Hanggan
Ang buhay na walang hanggan ay ang pariralang ginamit sa mga banal na kasulatan upang ilarawan ang uri ng pamumuhay ng ating Amang Walang Hanggan. Sabi ng Panginoon, “Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39). Ang kawalang-kamatayan ay ang mabuhay magpakailanman bilang nabuhay na mag-uling nilalang. Sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, lahat ay tatanggap ng kaloob na ito. Ang buhay na walang hanggan, o kadakilaan, ay ang mamuhay sa piling ng Diyos at magpatuloy bilang pamilya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4). Tulad ng kawalang-kamatayan, ang kaloob na ito ay naging posible dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Gayunman, ang pagmana ng buhay na walang hanggan ay nangangailangan ng ating “pagsunod sa mga batas at ordenansa ng Ebanghelyo” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:3).
Buod

Kapag tayo ay bininyagan at tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo, pumapasok tayo sa landas na patungo sa buhay na walang hanggan. Itinuro ng propetang si Nephi:
“Ang pasukang inyong dapat pasukin ay pagsisisi at binyag sa pamamagitan ng tubig; at pagkatapos darating ang kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa pamamagitan ng apoy at ng Espiritu Santo.
“At pagkatapos, kayo ay nasa makipot at makitid na landas na patungo sa buhay na walang hanggan; oo, kayo ay nakapasok na sa pasukan; nagawa na ninyo ang alinsunod sa mga kautusan ng Ama at ng Anak; at inyong tinanggap ang Espiritu Santo, na sumasaksi sa Ama at sa Anak, tungo sa katuparan ng pangakong kanyang ginawa, na kung kayo ay papasok sa daan ay inyong tatanggapin” (2 Nephi 31:17–18).
Binigyang-diin ni Nephi na matapos tayong pumasok sa “makipot at makitid na landas,” kailangan nating magtiis hanggang wakas nang may pananampalataya:
“Matapos na kayo ay mapasamakipot at makitid na landas, itatanong ko kung ang lahat ay nagawa na? Masdan, sinasabi ko sa inyo, Hindi; sapagkat hindi pa kayo nakalalapit maliban sa ito ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo na may hindi matitinag na pananampalataya sa kanya, na umaasa nang lubos sa mga awa niya na makapangyarihang magligtas.
“Kaya nga, kinakailangan kayong magpatuloy sa paglakad nang may katatagan kay Cristo, na may ganap na kaliwanagan ng pag-asa, at pag-ibig sa Diyos at sa lahat ng tao. Samakatwid, kung kayo ay magpapatuloy, nagpapakabusog sa salita ni Cristo, at magtitiis hanggang wakas, masdan, ganito ang wika ng Ama: Kayo ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan” (2 Nephi 31:19–20).
Matapos tayong mabinyagan at tumanggap ng kaloob na Espiritu Santo, ang malaking pag-unlad natin tungo sa buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa pagtanggap natin ng iba pang mga ordenansa ng kaligtasan: para sa kalalakihan, ordenasyon sa Melchizedek Priesthood; para sa kalalakihan at kababaihan, ang endowment sa templo at pagbubuklod ng kasal. Kapag tinanggap natin ng mga ordenansang ito at tumupad sa mga tipan na kaakibat ng mga ito, inihahanda natin ang ating sarili upang magmana ng buhay na walang hanggan.
AnItala ang Iyong mga Impresyon
Mga Kaugnay na Paksa
-
Pagiging Tulad ng Diyos
Mga Banal na Kasulatan
Mga Reperensya sa Banal na Kasulatan
Resources sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan
-
Tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Buhay na Walang Hanggan”
Mga Mensahe mula sa mga Lider ng Simbahan
Mga Karagdagang Mensahe