Library
Buhay na Walang Hanggan


templo

Gabay sa Pag-aaral ng Ebanghelyo

Buhay na Walang Hanggan

Makapiling ang Diyos at maging katulad Niya

Ikaw ay may banal na potensyal at tadhana bilang anak na babae o anak na lalaki ng mga magulang sa langit. Kapag nalaman mo ang iyong walang hanggang identidad, makikita mo na nais ng Diyos na paghandaan mo ang buhay na darating. Dahil nadaig ni Jesucristo ang kamatayan, bawat isa sa atin ay mabubuhay na mag-uli at magtatamo ng imortalidad sa kabilang-buhay. Ngunit mas marami pang inilaan ang Ama sa Langit para sa mga nagsisikap na sundin si Jesucristo, magsisi, at gumawa at tumupad ng mga tipan sa Kanya. Ginagawang posible ng Diyos Ama na maging katulad Niya ang Kanyang mga anak at manahanang muli na kasama Niya (tingnan sa Mosias 2:41). Ito ang tinatawag ng mga banal na kasulatan na “kadakilaan” at “buhay na walang hanggan.” Ang buhay na walang hanggan ang pinakadakila sa lahat ng kaloob ng Diyos at siyang pinakalayunin ng plano ng kaligtasan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 14:7). Lahat ng ginagawa ng Diyos ay upang ihanda ang Kanyang mga anak na magtamo ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Moises 1:39).

Ano ang buhay na walang hanggan?

Ang magtamo ng buhay na walang hanggan ay pagtatamo ng kaligtasan, mga pagpapala ng walang hanggang pamilya, at kadakilaan, na “pinakamataas na kalagayan ng kaligayahan at kaluwalhatian.”1 Sa pamamagitan ng pagmamahal at biyaya ng Diyos, lahat ng Kanyang mga anak ay mabubuhay na mag-uli pagkatapos nilang mamatay at makakamtan nila ang imortalidad (tingnan sa Moroni 7:41). Ang buhay na walang hanggan ay higit pa sa pagiging imortal at kinapapalooban ito ng pagmamana ng pinakamataas na antas sa kahariang selestiyal, pagpapatuloy sa walang hanggang pamilya, at pagiging katulad ng Diyos at pamumuhay sa Kanyang kinaroroonan. Ang buhay na walang hanggan ang pinakadakilang kaloob na matatanggap natin mula sa Diyos (tingnan sa Roma 6:23; Doktrina at mga Tipan 14:7).

Overview ng paksa: Buhay na Walang Hanggan

Mga kaugnay na gabay sa pag-aaral ng ebanghelyo: Plano ng Kaligtasan, Kaligtasan, Mga Templo, Mga Tipan at mga Ordenansa, Pagbubuklod ng mga Pamilya para sa Kawalang-hanggan

Bahagi 1

Tutulungan Ka ng Plano ng Diyos na Magtamo ng Kadakilaan at Buhay na Walang Hanggan

mga kabataan na naglalakad malapit sa templo

Nadama mo na ba na baka hindi ka maging karapat-dapat para sa kadakilaan? Lahat tayo ay malayo pa sa pagiging perpekto sa ating mga pagsisikap na sundin si Jesucristo. Subalit alam ng Ama sa Langit na ang ating karanasan sa buhay ay kapapalooban ng mga pagsubok at kapighatian. Itinuro sa atin ng Bagong Tipan na “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16). Maaari tayong magtiwala na ang plano ng Ama sa Langit para sa ating kaligtasan at kadakilaan ay talagang mangyayari dahil isinugo Niya si Jesucristo upang maging ating Tagapagligtas at Manunubos. Hindi tayo tatanggap at makatatanggap ng kaloob na buhay na walang hanggan sa sariling pagsisikap lamang natin. Kailangan natin si Jesucristo, at sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya, pagsisisi, at pagsisikap na gumawa at tumupad ng mga tipan, inihahanda natin ang ating sarili sa pagtanggap ng kadakilaan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 59:23; Moises 6:59–60).

Bilang mga anak ng Diyos, may kakayahan at pagkakataon tayong umunlad at maging katulad Niya (tingnan sa Mateo 5:48; 2 Pedro 1:2–4; 1 Juan 3:1–2). Nangangako ang Ama sa Langit na maaari tayong maging “mga kasamang tagapagmana ni Cristo” (Roma 8:17) at matatanggap ang lahat ng mayroon ang Diyos Ama (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:36–38). Kabilang sa kaloob na buhay na walang hanggan ang pagpapalang mamuhay sa piling ng Diyos at magpatuloy bilang pamilya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4).

Mga bagay na pag-iisipan

  • Pakinggan o basahin ang liriko sa “Magpunyagi, mga Banal.”2 Isulat ang nadarama mo habang ginagawa mo ito. Sa tingin mo ba ngayon ay mas madaling makamit ang buhay na walang hanggan kaysa sa inakala mo dati? Basahin ang 2 Nephi 31:20. Ano ang ibig sabihin ng magpatuloy sa paglakad nang may “ganap na kaliwanagan ng pag-asa”?

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

  • Gumawa ng listahan ng mga sitwasyon kung saan ang pagpapaliban ay magdudulot ng hindi kanais-nais na mga resulta. Magkakasamang basahin ang Alma 34:32–34, at talakayin ang mga katotohanang tutulong sa atin na maunawaan kung bakit hindi natin dapat ipagpaliban ang ating pagsisisi. Bakit ang buhay na ito ang panahon para maghanda para sa kabilang buhay?

Alamin ang iba pa

Bahagi 2

Naghanda ang Diyos ng Iba’t Ibang Kaharian ng Kaluwalhatian para sa Kanyang mga Anak

larawan ng araw, buwan, at mga bituin

Itinuro ni Jesus na may iba’t ibang gantimpala sa kabilang-buhay: “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan” (tingnan sa Juan 14:2–3). Nakita ni Propetang Joseph Smith ang isang pangitain tungkol sa tatlong antas, o mga kaharian, ng kaluwalhatian sa langit (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:50–98). Ito ang mga kahariang selestiyal, terestriyal, at telestiyal. Bawat isa sa mga ito ay posibleng matamo natin sa pamamagitan ng nagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:40–43). Nalaman ni Joseph na ang kahariang mamanahin natin balang-araw ay depende sa antas ng pagpili nating sundin si Jesucristo. Ang kahariang selestiyal ang pinakamataas na kaluwalhatian at ang lugar kung saan nananahanan ang Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76:62). Nakabalangkas sa ebanghelyo ni Jesucristo ang landas na naglalayong tulungan tayong maghanda para sa kaluwalhatian ng kahariang selestiyal at tanggapin ito.

Mga bagay na pag-iisipan

Aktibidad sa pag-aaral kasama ang iba

Anyayahan ang iyong mga kagrupo na rebyuhin ang maikling artikulo na “Kingdoms of Glory” sa Topics and Questions. Magkakasamang pag-usapan ang ilan sa mga pagkakaiba ng mga kaharian. Paano nakaaapekto sa ating walang hanggang gantimpala ang ating mga hangarin at pagsisikap na sundin si Jesucristo sa buhay na ito?

Alamin ang iba pa

Iba pang mga Sanggunian tungkol sa Buhay na Walang Hanggan